XLI

324 21 2
                                    

XLI

Auntie Martina's new town project made it into the local and national news. The headlines were talking about how she was making such an effective governance in the province. Her latest project was the new provincial hospital in Claveria.

But of course, she got some help from the private sector too. At dinig ko sa project manager niya, isa sa mga sponsor noon ay si Raphael Valerio, ang ama ni Stav.

Lumuwas kami sa susunod na bayan upang pasinayaan niya ang pagbubukas ng proyektong iyon. Sa gitna ng mga panauhin, natagpuan ko si Stav kasama ang ama nito.

His father was his spitting image. They graced the lobby of the newly built hospital and shook hands with the guests.

Auntie Martina led the ribbon cutting event and gave a welcoming remark. Habang nagsasalita ito, nagsimula na naman akong mainip.

Pirmi ang titig ko kay Stav hanggang sa napansin niya ako. Nagtagpo ang mga mata namin sa gitna ng mga panauhin. Katabi niya ang ama na ngayon ay kausap ang ilang mga businessman.

Stav boldly made his way through the small crowd towards me. My heart pounded. Papalapit na ang bantay ko na si Julio, ang bodyguard ng Auntie, nang kabigin ni Stav ang braso ko.

Sa labas ng kapapatayo pa lamang na ospital, nakalatag ang manipis na bermuda at ang lilim ng mga punong-kahoy. There was a small bench just before the separate door of the emergency room. We sat there in the beaming sunlight of Sunday morning.

"Ano'ng ginagawa mo?" Angal ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang pormal niyang kasuotan. A white long-sleeved folded to his elbows to beat the scorching summer heat.

"Babalik na ako. Baka hanapin ako ng Auntie." Magmamartsa na sana ako pabalik sa bagong gusali ngunit nahigit niya ang braso ko pabalik.

"I'm sorry." Buntong-hininga niya.

"For?"

"Last week. Hindi ako sumipot."

Lumuwag ang hawak niya at tuluyan akong binitiwan.

"Why didn't you come? Dahil ayaw mo na akong maging kaibigan?"

Napalunok ito, hindi makasagot.

"Bakit ayaw mo na akong maging kaibigan?" Untag ko.

"Kailangan ba ng rason?" He batted me his deep piercing eyes.

When they narrowed at me, I noticed how they were too deep within the hollows of his eyelids. When have every part of his face became this intense?

"Of course. Kailangan ng rason. I would understand if you want to cut me off but it's basic decency to at least provide me a reason. That's what you--"

"Miss Zhalia?" Boses iyon ni Julio.

"Go." Nagitla ako nang bahagyang itinulak ni Stav ang braso ko.

"It's okay. Hindi naman siya magagalit--"

"Go ahead, Zhalia. Mapapagalitan tayo kapag nakita tayong magkasama."

"What, why?--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin, nahila niya na ako papasok sa emergency room. It was wide-empty except some stretchers and hospital beds.

Sumandal kami sa double doors noon at dinungaw ni Stav ang salamin. Pakiramdam ko napakaliit ng lugar noong kaming dalawa lamang ang magkasama. Hindi ako makahinga ng maayos. Hinintay muna naming makaalis si Julio bago muling lumabas.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon