X
dream
"Lia, kumusta?" Hinalukay ang sikmura ko nang mahimigan ang masigla at paos na tinig ni Lyon. Pakiramdam ko sobrang tagal na nang huli ko iyong marinig.
"I'm good."
"Your casting?"
"That one didn't turn out well."
Ikinuwento ko kay Lyon ang nangyari sa model casting ko. Naintindihan nito ang pagkadismaya ko. Sa huli, ipinahayag niya ang pagsuporta sa akin.
"So, babalik ka na rito sa Claveria?" Medyo alangan nitong tanong.
"Honestly, I don't know. I have new plans."
"Oh. You'll be staying there longer then." The liveliness of his tone died along his words. I suddenly felt giddy assuming that he's disappointed for I won't be going home yet.
"Lia!" Rinig ko ang papalapit na tawag ni Linn. Kasama na nito si Stav na hindi maipinta ang mukha habang patungo sa direksyon ko.
"I wish we could hang-out some time soon." Hindi ko na napigilan at kumawala ang nais kong sabihin kay Lyon.
"Anyway, I need to go. Bye!" Ibinaba ko na bago pa ito makasagot. Saktong pagtapos ng tawag ay siyang paglapit sa akin nila Linn.
Ikinabigla ko nang mag-aya nang umuwi ang dalawa. Ni hindi ko pa nababanggit kay Stav ang pakay ko. Kaya naman sa biyahe pauwi ay saka ko sinubukang sabihin iyon.
"Your photos are really good, Stav." Simula ko.
Stav creased his forehead dubiously. He looked unpleased with my unnecessary compliments. Ang mga mata nitong madalas ay misteryoso, kapag kinakausap ko, nababahiran ng hindi maipaliwanag na iritasyon. His perpetual scowl would always resurrect for me.
"Where did you learn photography?"
Namamatay lamang sa hangin ang bawat tanong ko. Wala ni isa sa mga iyon ang sinasagot ni Stav. Abala ito sa pagmamaneho.
"Anyway, my photo—"
"I'll pay you soon." He said in a hard tone.
"No! There is no rush. Kahit kalian mo ako bayaran roon." I smiled sweetly. Kinilabutan ako dahil alam kong hindi bagay sa akin ang ngumiti ng malambing. My fiery eyes would never fit well to such sweet demeanor.
"Anyway, you're friends with JM Daza.."
Napahinto ako nang matalim ako nitong sulyapan mula sa salamin.
"Uh—he works for Elite, right?"
"What is this, Zhalia?" Mas lumalim ang pagkunot ng noo nito, tila wala ng pasensiya sa pagpapaligoy ligoy ko.
"Maybe you could introduce me to him?" I said sweetly again.
Buong araw na akong nagpapakabait rito. Pang best actress na ang pagpapanggap ko. Sana naman bumigay ito.
Ngunit hindi gaya ng inaasam ko, kumawala lamang ang labis na nakakainsultong halakhak mula kay Stav. The idea seemed stupid and ridiculous to him.
"I'm serious, Stav. Introduce me to him. Ipakita mo ang portfolio ko."
Stav shook his head. Tahimik lang na nakikinig at nakikiramdam si Linn sa tabi nito. I know she can sense that this whole agenda is about to go downhill but she knows how determined I am too.
"Bakit ko gagawin iyon?" Ipinilig niya ang ulo kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi.
Umuusok na ang ilong ko sa inis ngunit pilit kong kinalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...