III

941 53 22
                                    

III

danger

The polaroids were time frames I couldn't quite recall. Tila mga pirasong alalaang matagal ng kumupas ngunit sa mga papel na ito, nananatiling malinaw. Nanginginig ang mga kamay ko habang isa isa iyong tinitignan. Parang huminto ang pintig ng aking dibdib dahil hindi ko maalala ang mga iyon.

Memories are what make us feel. It feels less human to not remember, to not feel anything. I suddenly felt like an empty vessel, a stranger to my own self.

Bumalik sa akin ang lahat. Ang operasyon at mga medikasyon. Pakiramdam ko tinraydor ako. Ang akala ko'y maayos na ako. Ngayon, tila malaking kasinungalingan ang lahat.

I looked happy in these photos. Genuinely happy. Gaya ng madalas, nakasuot ako ng puting summer dress. Ang mahaba at umaalon kong buhok ay tinatangay ng hangin habang binabaybay ko ang taniman ng sunflower. Nakalingon ako sa kung sino mang kumuha ng litrato, may ngiti sa labi.

Sinaulo ko ang bawat litrato. Some were just random snippets. Litrato ng ginintuang langit, ng papalubog na araw, ng mala-diyamanteng alon sa dagat, ng pirasong sunflower, at ng kamay. Mga kamay na magkahawak.

There were my portraits as well. May kuha ako sa isang sementadong tulay, sa beach at sa azucarera lulan ni Apollo. All of them were candid shots. Magkakaiba ngunit ang tanging pareho ay ang matitingkad kong ngiti.

Hinanap ko sa puso ko ang ganoong pakiramdam. Maging sa sulok ng isip ko, ang ganoong memorya. Ngunit para akong naghahanap ng bakas na matagal ng naglaho.

I need to remember. I need to see these places. The suspension bridge and the sunflower field. I wonder when in Claveria they have these?

Ang una kong ginawa'y ibalita iyon kay Linn.

"Bitch you had a summer fling and now you can't remember it?" Tila namangha pa si Linn.

"Hindi ko alam. Basta, hindi ko maalala ang mga na sa polaroid na ito. But by the looks of it, I'm sure it happened on summer 15th."

"That explains it then. You definitely had a summer fling!" Kinikilig nitong saad.

"Why does it sound fun to you? Wala ka bang naaalalang naikwento ko sa'yo noon na may nakilala ako rito?"

"Wala. Kung hindi ka lang namomroblema riyan, magtatampo na ako sa'yo. Imagine, you met a guy and you didn't tell me about it? Ano kayang hitsura niya? Baka chaka kaya hindi mo nai-chika."

Napa-iling ako. Iyon pa talaga ang pinagtuunan niya ng pansin. My best friend doesn't seem to get my dilemma here.

"Linn, let's not jump into conclusions. I just saw a photo of intertwined hands. Of course, kamay ko iyong isa. The other looked like a guy's. Baka may naging kaibigan ako, hindi ba? Ang big deal rito ay hindi ko naaalala ang mga ito."

"Well, malay mo naman mommy mo lang ang kumuha ng pictures mo na iyan? Baka namamasyal lang kayo? Maybe it's not really relevant. And the guy you're holding hands with, baka kuya mo?" Medyo natawa ito sa sarili niyang hinuha.

"Eeew! Why would I even take a photo holding my kuya's hand?!" Nadidiri kong saad.

"Duh! For the aesthetic? Or baka boy bestfriend mo riyan sa plantasyon?"

"God, I don't know. Parang imposible dahil sa pagkakaalala ko, laging mga tita at kuya ko lang ang nakakasalamuha ko tuwing umuuwi ako dito noon."

"Did you find any other clues?"

"Actually, yes.." I paused, nervous. "May nakita akong nakasulat sa baba noong polaroid ng may magkahawak kamay. It's in baybayin. Ittranslate ko pa."

"Go ahead then!"

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon