XL
Summer Fifteen“Ang maliit na brush nga sabi.”
“Maliit naman ito?” Naguguluhan na tinignan iyon ni Lyon.
“Iyong pinakamaliit.”
“Lahat ito maliit Zhalia.”
“Yung pino at patusok ang dulo!”
Medyo natagalan pa siya bago naglakad pabalik sa akin. Dinala niya na lang ang buong lalagyan ng mga paint brush. Napabuntong hininga ako bago dinampot roon ang detailing brush na hindi niya matukoy tukoy.
Umaga pa lamang ay laman na kami ng drawing room ko. Isa iyong bakanteng kwarto bukod sa maliit na platform sa isang sulok para sa mga modelo ng portrait studies, mga easel na nakatayo sa gilid, at isang couch sa harap ng malaking Victorian window. Nakahiga roon si Lyon, naiinip na naman.
Pinagpatuloy ko ang pagpipinta. Manipis ang kurtina sa silid at dumadaloy ang gintong sinag ng araw na may mga pinong alikabok pa na sumasayaw sa hangin at dumadapo sa sahig.
“Lia, alam mo bang magbabakasyon ako rito sa mansyon ninyo buong summer?”
Nabitawan ko ang paint brush sa tinuran ni Lyon.
“What?”
“Oo. Inimbitahan kami ng Auntie mo. Sila na yata ulit ng Tito.”
“So mananatili ka rito buong Summer?”
“Hindi naman, siguro mga ilang linggo. Bakit parang gulat ka at hindi masaya?” Mula pagkakahiga, umupo ito, isinampa ang paa sa couch, niyakap ang tuhod at prenteng sumandal sa bintana.
“Tingin mo buo pa rin yung kasunduang ipapakasal tayo sa isa’t isa?”
Lyon shrugged nonchalantly. He is always this easy-going, nothing is ever a big deal to him.
“Akala ko ba hindi ka natatakot doon?”
“Dati, nakakatakot talaga. Ngayon naisip ko, arranged marriage is not even a thing anymore. Not in the 21st century where young women are empowered enough to say no.” Naalala kong binanggit ko sa kaniya nang mapag-usapan namin iyon noong nakaraang taon.
Pero ngayon na parang mangyayari na ulit iyon, magkahalong kaba at puot ang nadarama ko. Napansin ni Lyon ang pagkabalisa ko at lumapit ito.
“Don’t worry, I’ll be a good husband.” Nakuha niya pang ngumiti ng nakakaloko.
“I don’t want you to be my husband.” Sarkastiko ko itong nginitian. I don’t think I’d ever want a husband.
Hinawakan ni Lyon ang dibdib, kunwari nasaktan.
“Why? Am I not good enough for you? We’re too young to tell Lia. Malay mo, years from now, magustuhan mo na ako.”
“Ew. Ayoko sa’yo Lyon.”
“Bakit nga?
“You’re my best friend!” Singhal ko para lang tumigil na ito sa pang-aasar.
“Isn’t it good to marry your best friend?”
"No."
Napabuga ng hangin si Lyon, parang labis na nainsulto.
"Don't worry, ayaw rin kitang pakasalan. You wanna know why?"
"No."
"You're a pain in the ass."
Umirap ako. Lumapit naman ito sa pinipinta ko at dinampot ang detailing brush. Binawi ko agad iyon nang akma niyang pipintahan ang portrait na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...