XIV

497 29 11
                                    

XIV

forbidden

"We're not allowed to be here so be quiet." Bulong ko sa dalawang kaibigang lalaki. The other stood taller than me while I'm an inch bigger than the other one.

With my small arms, I pushed open a huge double-doors. Inside, we were welcomed with marbled floor, the usual gold-embellished and mosaic-patterned walls, and an impressive number of paintings. Portraits of nobility and landscapes of different styles hang on its four walls.

"Nakakatakot naman ang mga ito." The taller one, who was dressed in knee-length pants and high knee socks refused to stare.

"Who are they?" Ang isa kong kaibigan na na sa karaniwan niyang suspenders at brown corduroy pants ay iginala na ang paningin sa mga obra.

"I don't know. They're different people, of course." 

Tiningala ko rin ang mga iyon. Most of the people in the portraits exhibited an austere look and an air of aristocracy.

"I like this one. She's pretty." The taller boy giggled at the only painting he seemed to like.

Obra iyon ng isang magandang babaeng may puting buhok, malaking sumbrero at magarang kasuotan. Napalilibutan ito ng mga rosas.

"These girls are pretty!" Nagpatuloy ang kaniyang pagka-aliw sa magkakasunod at magkakahawig na mga obra.

Imahe iyon ng mga babaeng nakasuot ng makukulay at maninipis na bestida habang nakahiga sa marmol na sahig.

"Oh, iyon ba ang susuotin ko?" Napansin ko ang maninipis at makukulay na bestidang nakasukbit sa clothing rack. Tinulak iyon ng isang staff patungo sa dressing room.

Tumango lamang ang makeup artist kong si Althea. Muli niya akong pinapikit para sa paglalagay ng eye shadow. Sa likod ng aking utak, pilit kong hinilang muli ang hibla ng munting alaala. Hindi ako nabigo at nagpatuloy iyon.

"These are late baroque-style paintings owned by my aunt." Paliwanag ko sa nagustuhan niyang hilera.

"Ano ang ibig sabihin noon?"

"I don't know. I just remember her saying it."

"It's a period in the late 17th century." The smaller boy quietly said.

"Oh, you're smart!" Ginulo ko ang buhok nito, dahilan para malaglag ang kayumanggi niyang sumbrero.

Hindi ito natuwa at inismiran ako kasabay ng pagpulot noon.

"This is funny! Is it a duck?"

Nilapitan ko ang tinutukoy ng isang kaibigan. The painting was a combination of weird shapes that took a form of an animal or a person. I coudn't tell which.

"Reclining woman VI by Picasso." Mabagal at putol putol na binasa ng kaibigan kong suot na muli ang kaniyang sumbrero.

"Hindi naman mukhang woman iyan." Alma nito.

"Come here! This is my favorite!" Inaya ko sila sa partikular na obra. Nakapinta roon ang iilang pirasong sun flower na na sa isang vase.

"It's pretty right?" Tuwang tuwa akong ngumisi.

"It's just flowers." The one dressed in cardigan walked away so I was left with the other boy.

"May alam akong lugar na may ganitong mga bulaklak." Aniya.

"Really? Puntahan natin."

"Zhalia."

Namilog ang mga mata ko nang maulinagan ang boses ng Auntie Martina. Mula sa siwang ng pintuan ay sinilip ko ang Auntie. Nakahinga ako nang maluwag nang dumiretso ito sa pasilyo at hindi tumuloy sa silid.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon