VII
save
Marahas na dumapo ang palad ko sa pisngi ni Stav. Humapdi iyon sa lakas ng sampal. He clenched his jaw and fired me his furious eyes. Hindi ko na binigyan ng pagkakataong maka-alma ang dalawa. Sa galit ko ay hinatak ko si Linn at dinala sa kwarto ko.
She was so wasted that I didn't bother confronting her. Nakatulog rin ito agad.
"I'm really sorry. Hindi ko alam na siya iyong nanggulo sa party ng tita mo. The same guy who stole your photo too." Paliwanag ni Linn kinaumagahan.
"Hindi ako galit sa'yo. Doon sa lalaking iyon."
Pagkagaling sa walk-in closet ay naabutan ko sa dulo ng kama si Linn, tuptop pa ang noo sa hang-over.
"He didn't do anything wrong okay? I told you, Lia. He didn't force me or anything." Tila proud pang saad ni Linn.
Napapikit ako upang pahabain ang pasensiya. Inexpect ko naman iyon mula kay Linn. She's liberated and making out with anyone is as easy as hi hello. Kung ibang lalaki iyon, ayos lang.
But it was Stav. That guy is dangerous and uncanny. Nitong mga nakaraan ko lamang napatunayan na maaaring tama nga ang babala ng aking Mama patungkol sa kaniya.
"But still, you were drunk. Paanong magiging consensual iyon kung hindi mo nga naaalala na dinala ka niya roon upang halikan? He took advantage of you."
Linn sighed heavily.
"Some parts of it were a blur, but I kissed him back on my own right. Ang mahalaga, I don't feel harassed."
"Really?" Huminto ako sa harapan nito upang siguruhin. Nag-angat ng tingin ang inaantok niya pang mga mata.
"Yes, mom." She giggled. Pabiro ko itong binatukan bago nilampasan.
"Maligo ka na. Gagala tayo."
Linn shrieked and ran her way to my bathroom.
Lulan ang kabayo ay nilakbay namin ang kalakhan ng hacienda. Naabutan namin ang ilang manggagawang nagtatabas ng tubo sa taniman. Tinungo namin ang plantasyon upang tignan ang produksyon ng asukal mula sa tubo. I let Linn watch the process of sugar cane refining on its mills.
"It's a busy world here. No wonder you're the number one sugar supplier and exporter in the whole country." Linn commented when we were out on the plantation.
Pinanood namin ang mga truck na may lamang mga tubo patungo sa planta. Doon iyon i-eextract kung saan ang katas ay ipoproseso upang gawing asukal.
"You wanna check out the rhum production?"
Magiliw na ngumisi si Linn. A part of the hacienda were the scientific labs that produce ethanol out of glucose. Out of the sugar molasses, we also produce rhum.
"Clement Rhum is owned by my grandmother."
Isa iyong sikat na uri ng rhum ngunit ang kalakhan ng produksyon ay mula pa sa Pennsylvania. Here, my Aunt created her own brand called Martina which I find weird because it's named after her.
"Gusto mong tikman?" Kinuha ko ang isang bote ng Clement mula sa cellar. Pilya ang ngiti na lumandas sa aking labi.
Linn nodded eagerly.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...