XXX
loveIn a span of half an hour, my mom has completely turned my life upside down. Ginugol ko ang buong araw na iyon kasama siya. Dahil doon, hindi ko matawagan si Stav. Pumunta pa pala siya kanina sa campus para sunduin ako. I felt so guilty.
Sinabi ko sa kaniya na narito si Mama at hindi kami makakapagkita. Nang sumunod na araw, umalis rin ito ngunit tuluyan na akong lumipat sa condo na binili niya. Tinawagan ko si Stav upang ipaalam iyon.
"I'm sorry. Biglaan na lang akong lumipat."
"It's okay. Mabuti na rin 'yan at may maayos kang titirhan." His tone was reasurring, but I can tell he was just pretending that all of this is alright to him.
"Pupunta ako riyan kapag nakatakas ako sa mga bantay ko. Kukunin ko ang mga gamit ko at si baby G."
"Gusto mo ipadala ko na lang riyan?"
"No. Pupunta ako diyan." Giit ko dahil hindi ko naman gustong pumunta ulit sa studio para sa mga naiwan ko, gusto ko lang ulit siyang makasama.
"For now, will you take care of Baby G for me?" Pinalambing ko ang tono.
Narinig ko ang pagak niyang pagtawa.
"Don't worry, I'm a good cat dad."
We spent the call laughing and exchanging jokes, but I sensed that just like me, he was just pretending to act like everything isn't worrying him. I knew my mom would do everything to make me break up with him. That worries me. Sa gitna ng tawanan at kwentuhan namin, lihim akong naluha sa pag-iisip noon.
Panay ang buntot sa akin ng personal bodyguard ko nang subukan kong umalis. It was so embarrassing. Mabuti na lang at hindi ganoon ang sitwasyon sa school. Sinusundo lang ako ng bodyguard kapag na sa parking na. Ngunit dahil roon ay hindi pa rin kami makapagkita ni Stav.
Tatlong araw na ganoon ang sitwasyon hanggang sa hindi na ako nakatiis. Vacant ko nang naisipan kong makipagkita kay Stav. Kapag uwian kasi ay paniguradong hindi ako makakatakas sa sundo ko.
Gumuhit agad ang ngiti ko nang matanaw siya sa harap ng Oblation. My heart took a leap and my long hair flew as I ran towards his open arms.
"Missed me?" He cupped my cheeks. Matangkad ako ngunit tumingala pa rin ako para magtagpo ang paningin namin.
"Why? Hindi mo ako namiss?"
He laughed and bit his lip.
"Sobra." Pinatakan niya ng halik ang noo ko.
"Wala kang vacant ng ganitong oras ah?" Inabot ko ang kamay niya nang magsimula kaming maglakad patungo sa sunflower field.
"Okay lang. I missed physiology."
"Isn't that hard?"
"I can catch up." Kumpiyansa niyang saad.
Sinalubong kami ng matitingkad na dilaw na bulaklak. Matataas na ang tangkay ng mga iyon at ang ilan ay nalalanta na. Pinaglakbay ko ang kamay sa talulot ng mga iyon habang naglalakad kami sa makitid na sidewalk. I was on the elevated gutter while Stav stayed on the road.
A distant part of my heart clenched for a faded memory. I stopped receiving polaroids after the photo of the ring. But I still wonder, what could sunflowers possibly mean in those photos?
"You know, Stav, I often dream about sunflowers." Simula ko.
Tumaas ang kilay ni Stav kasabay ng paglingon sa akin. He looked intrigued.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...