XLVIII

358 19 3
                                    

XLVIII

Stav captured photos of me in his polaroid camera. The first one was from the beach outside their house. I was standing by the long stretch of the sand, and the sea and the bright afternoon sky were both my backdrop. The wind was blowing my hair to my face. 

Nakakahalina ang tunog ng bawat hampas ng alon at ng simoy ng tubig-alat. It was a bright day, peaceful and beaming--just like my heart. 

My white summer dress danced with the summer air. I did not even get to smile properly when Stav took my photo. Linapitan ko ito at dinungaw ang naimprentang litrato.

"Okay lang, pangit pero sayang naman ang polaroid paper. 'Wag mong itapon."

"Maganda, itatago ko 'to." Kontra nito.

We were like that for the next few hours. Lulan ang kaniya kaniyang kabayo ay tinahak naming muli ang aming hacienda.

Paparating na ang hapon, wala ng gaanong magsasaka sa kalawakan noon. May iilan na lang na nag nagtatabas pa ng mga tubo ang napalingon sa amin. Kinabahan ako at baka makilala si Stav. 

“The farmers are looking, Stav. Baka kilala ka o ako..” Medyo kabado kong bulong. 

“They’re just looking because I’m with a pretty girl.”

Pinalakad ni Stav ng mas malapit ang kabayo niya sa akin upang takpan ang mga manggagawa sa paningin ko.  Sinadya niya pang hinuli ang tingin ko sa seryoso niyang mga mata. Mapapatingin pa ba ako sa iba kung ganoon? 

Tinunton namin ang daanang ilang taon ko ring hindi napasyalan. The sugar canes that blossomed tall from the soil had reached a partition by the end of the land. Sa pinakadulong bahagi, mapula at kalbo ang lupa na hindi natatamnan ng tubo upang magsilbing makitid na daanan.

We maneuvered our horses between the tall crops until we have finally reached the familiar barbed wire fences. Hindi katulad noong mga bata pa kami,mas mataas na ang mga bakod ngayon. Hindi makalampas roon ang mga kabayo kaya naghanap muna kami ng kalapit na puno upang itali ang mga iyon.

"Ingat. Baka matusok ka, lagot ako kay Zeke." Stav held my hand when we went past through the barbed wire fences. Malalaki naman ang awang noong ngunit medyo mahirap ang lumusot.

Soon, we reached another barren land that led us to a stream of water. This stream and the other nearby bodies of water are also where our sugarcane farm gets the supply for surface irrigation.

Tag-init kaya payapa ang sapa. Hindi mabilis ang daloy ng tubig at halos naka-angat na rin ang ilang bato sa mababaw noong bahagi.

Tila bago ang lahat sa paningin ko. Ngunit ang tuluyang nagpamangha sa akin ay ang kabilang bahagi ng sapa. Lumawak na ang mga tanim na sunflower doon. Kung noon ay iisang kumpol lang sila, ngayon dalawang lihera na at may kakapalan na rin ang dami.

They were tall and they were smiling at us in their bright yellow petals.

"Oh my god! They're so pretty! Ang dami na nila!" Naghugis puso yata ang mga mata ko sa nakita.

Tinawid ko ang sapa ng walang pasabi. Ikinagulat ni Stav iyon at mabilis akong sinundan. Mababaw lang ang tubig ngunit madulas ang batuhan na dinadaluyan noon.

Muntik na akong madulas kung hindi naagapan ni Stav ang kamay ko. Sinupurtohan niya ang baywang ko't inalalayan sa pagtawid roon. I felt so stupid with my clumsiness.

Umiling ito sa akin. "Tsk tsk, magsabi ka naman, mamaya alunin ka riyan."

"Hoy, ang O.A., nadulas lang ako ng kaunti. Kaya kong tumawid mag-isa."

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon