IV

949 49 17
                                    

IV
visit

"Good morning, Miss Zhalia." Matamis na mga ngiti ni Ida ang bumati sa akin kinaumagahan. 

Linuwagan ko ang awang ng pinto ng aking kwarto at pinatuloy siya roon. Sinuklian ko ang kaniyang ngiti. 

"Good morning din. Para saan iyan?" Dumapo ang mga mata ko sa bitbit niyang first aid kit.

"Bilin ni Minerva na gamutin ko ang mga sugat mo." 

"Hindi na kailangan, Ida. Tuyo na ang mga ito. Ang mga pasa naman ay kusang gagaling." 

"Kung ganoon, heto ang iilang ointment. Lagyan mo na lang."

"I will. Thanks."

Suot pa ang roba at kaliligo lang ay tinungo ko ang walk-in closet upang maghanap ng maisusuot. 

"At pinapasabi rin pala ni Ma'am Alessandra na huwag kayong lalabas ngayon. Kung may ipabibili kayo ay sabihin niyo lang sa akin." 

Napahinto ako sa pagbunot ng nagustuhang bestida. Mabuti na lang at nakatalikod ako kay Ida. Mas madaling itago ang pagsisinungaling. 

"Sure. Wala naman akong planong umalis ngayon. Magpapahinga lang ako't masakit pa ang ilang pasa ko." 

"Okay po. Nakahanda na ang almusal sa hapag."

"Susunod ako. Thanks, Ida."

That was a dismissing cue and Ida quickly went out. Nagpalipas muna ako ng ilang oras. Siniguro kong abala ang lahat ng kasambahay. Ibinilin ko rin kay Ida na mananatili ako buong araw sa kwarto at gusto kong mapag-isa. 

Nang makakuha ng tiyempo ay nakatakas ako't tinungo ang kwadra. Pinakawalan ko si Apollo at dumaan sa likod ng mansyon. Lumundag ang puso ko nang tuluyang makalabas. Hinalikan ako ng mabining hangin at sinalubong ng malawak na taniman. 

Mom has warned me so much about this. Aniya ay huwag akong lalayo at baka mapahamak ako. Ironically, the incident yesterday seemed to braven me. Ang pagkakaligtas sa panganib ng ilang beses ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at kumpiyansa ngayon. 

Ilang oras ang lumipas bago ko nalampasan ang kalakhan ng mga lupain namin. The sceneries began to be less familiar to me. Cornelia street played through my AirPods, syncing in with my awe-stricken heart. The mist from the mountains reached the lower grounds and the greens stretched at yonder. 

I was calmly maneuvering Apollo until it raised both legs in the air, startled when a white horse dashed in front of us. A man wearing a beige polo held the ropes tight, making the horse settle. 

Magkahalong damdamin ang nadama ko pagkakita kay Stav. Nagulat at nagalit at..namangha. Actually, no. Nagulat at nagalit lang. 

I didn't really wanna talk to him so I propelled Apollo to take a turn but the arrogant man blocked my way again! Tinanggal ko ang airpods at binalingan ito. 

"Ano'ng problema mo?" I hissed, irritated. 

Walang namutawi sa kaniyang labi. Tinitigan niya lamang ako na imbes magpainis ay nagpa-ilang sa akin. Frustrated at the way I felt, I began pouring my rage on him. 

"Bakit nandito ka? Don't tell me you're taking pictures again because you clearly don't have your camera. Sinusundan mo ba ako?" 

His eyes leered on me for a while, tila ba nananantiya. Kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi ay ang pagtango niya. 

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon