XLVI
The thought that our hacienda might be the reason for Tatay Tonyo's lost of job bothered me. Ngunit ganoon pa man ay hindi ko naman magawang sabihin iyon sa mga Auntie ko. Paniguradong ipagtataka nila kung paano ko nakilala ang magsasaka.
Ayaw kong maungkat pa ang nalaman ng Auntie Martina noong siyam na taon ako--na kaibigan ko si Stav at pumunta ako sa tahanang iyon. Lalo pa akong naging kabado nang mga sumunod na araw dahil nakahalata na si Minerva, maging ang Auntie sa napapadalas kong pag-alis ng mansyon.
"Napapadalas yata ang paglabas mo..." Puna ni Auntie Martina nang saluhan kami sa almusal.
"Where in particular are you roaming around?"
"Uh..sa hacienda lang, Auntie. Minsan sa farm. Minsan sa plantasyon. I like painting the landscapes."
"Sigurado ka?" Auntie Martina's meticulous eyes narrowed skeptically at me.
"Yes, Tita. Saan pa po ba ako mapupunta?"
Auntie Martina sighed, wiped her mouth with a table napkin, and then glanced at me.
"Gusto ko lang na hindi ka sumasama sa kung kani-kanino riyan. You know you can be naïve, Zhalia. 'Wag kang tumulad kay Zeke. His friends--"
"My friends are nice, Tita!" Kumpiyansang bawi ni Zeke.
"The Alvaros are a nice family. Their construction companies are successful. But that young boy, Aaron is very much like you."
"He's not like me. Mas gwapo ako roon."
"You stole my thousand-dollar bottle of wine!"
"Tinikman lang namin--"
Swerte lang ako dahil nang umagang iyon, mabilis na nalipat kay Zeke ang usapan. Sa takot ko na baka matuklasan ng Auntie ang pakikipagkita ko kay Stav, inaaya ko na si Lyon sa tuwing pupuntahan ko ito.
Lyon didn't mind. Bukod sa hindi niya ako kayang tiisin ay palagi rin naman kasi itong gumagala. On the other hand, he's really good friends with Stav. Minsan kapag nagkikita kami ay naa-out of place pa ako sa kanila.
Nangangabayo kami ni Lyon sa hacienda nang imbitahin ko si Stav. Pumayag naman ito.
"Let's see your horse racing skills, Lia. Paunahan tayo paroon." Hamon ni Lyon sabay turo sa partikular na bahagi ng malawak na taniman.
"Ayoko. I'm not a horse racer."
"Pero kung gusto mong gumaling sa dressage, dapat matutuhan mong magpatakbo nang mabilis at hindi nahuhulog."
"I already know how to. Baka turuan pa kita."
Dahil sa pakikipagyabangan namin, sa huli, nagkarerahan rin kami. My smile widened when my horse bolted so fast, I was flying with it. Sa sementadong daan kami nagpaunahan. May isang likuan sa unang dulo ng taniman na siyang tanda ng finish line.
Lyon reached that first. Malawak ang ngisi nito nang ekspertong pinaliko ang kabayo kasabay ng marahas na paghinto. His veiny arms tightened as he balanced himself.
"Yabang, mas mabilis naman ako." Tukso nito.
"I do know other techniques. 'Di tulad mo."
I was an amateur dressage athlete in Pensylvania. Equestrian competitions were popular in the countryside and my grandmother made me join them. In dressage, I had to master horse riding techniques that are incorporated in equestrian.
"Can I see?"
Niyabang ko kay Lyon ang mga alam kong technique sa pangangabayo.
"This is called a trot. Look at the horse's feet as he gallops.." I showed Lyon how Apollo's legs moved forward at the same time with a moment of suspension between each beat.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomansaBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...