L

332 16 4
                                    

L

"Zhalia, hindi. Hindi pwede." Maagap ang pagtutol ni Stav. Itinulak niya ako ng bahagya upang salubungin ang mga mata ko.

"Why not?"

"You got this all wrong. Running away won't fix anything. It will make things worse." He held my hand as he tried his best to make me understand, but I don't see his point.

"But I want to be with you. Gusto kong umalis sa bahay. Gusto kong makasama ka. Magiging maayos ako basta kasama ka."

"Okay. Let's say we run away, where do we live without our parents' money? Paano ang pag-aaral mo? Paano ang kinabukasan natin?"

Natigilan ako. Hindi pa naman ganoon kalayo ang naiisip ko, ang mahalaga ang ngayon. Basta ang gusto ko lang makaalis. Gusto ko lang maramdamang ligtas ako. Pagod na ako. Sakal na sakal na ako sa amin. I want an escape route and Stav is the fastest exit I know.

"We'll figure that out, Stav! I can live without our riches, I can live without our money! It doesn't make me happy at all!"

Napabuga ito ng hangin at kinagat ang pang-ibabang labi. Para bang hirap na itong kausapin ako.

"You say that because you have been rich your whole life. You say you don't need your money or it doesn't make you happy because you never lived without it. You don't understand its importance until you lose it."

"I don't care. Magiging masaya naman tayo ng tayong dalawa lang." Determinado kong saad.

"Sinasabi mo lang ito dahil gusto mong makaalis. Hindi dahil gusto mo talaga, hindi ba?"

Natigilan ako. Tama siya roon. Hindi ko naiisip ang iba pang maaaring resulta ng nais ko. Ang gusto ko lang ay ang tumakas.

"Stav, that mansion's a hell hole." I have begun to cry desperately.

Pinalis ni Stav ang luhang lumandas sa pisngi ko. He stared at me with the fondness of the waking sun.

"I'll save you, okay? I promise. But now, you have to trust me that you have to go back."

"No."

"Zhalia, when we're 18, when you still want it, I'll run away with you." His words were full of promise and determination.

His hands held my shoulder blades, and his eyes were transparent with upheld tears. But I refused to sympathize with him.

"I don't understand you. I need you right now. I need whatever help you can offer right now. Not sometime in the future." Kumawala ako rito.

"Zhalia, please." Mabilis niya akong hinatak pabalik nang talikuran ko.

I jerked his hand away. Bawat subok kong lumayo ay panay ang habol at pigil niya. Lalo akong nainis. Mabuti at walang dumaraan sa tulay na ito. Nakakahiya na dito pa kami nag-away.

Natanaw ko ang paglapit ng kotse ni Lyon sa kabilang dulo ng tulay. Ni hindi pa iyon pwedeng magdrive, ginawa niya lang upang tulungan akong makipagkita kay Stav.

"It's okay, Stav. Papatakas na lang ako kay Lyon! Magtatago ako sa isa sa mga mansyon nila. Tingin ko mas mayaman naman sila sa inyo!"

Dahil doon ay mas humigpit ang hawak niya sa akin. Dumaan ang iritasyon sa kaniyang mga mata at muli akong hinigit.

"Zhalia, sandali. Kausapin mo muna ako." Nagpipigil ng galit ang mababa niyang tono.

He pulled me stronger this time, making me crash into his chest. The winds blew and for a moment, I was tongue-tied, captivated by his apprehensive eyes.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon