LI

255 11 1
                                    

LI

Nakarating kay Mama ang tungkol sa amin ni Stav. Auntie told her about it. Kaya kahit may isang linggo na ang lumipas, iyon ang bungad niya sa akin.

"Akala mo hindi makararating sa akin ang kapasawayan mo? Sabihin mo sa akin ang totoo. Ano'ng namamagitan sa inyo ng batang Valerio na iyon?" Mama's words were sharp when she summoned me in her office.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung aamin at ipaglalaban si Stav. Wala na ring silbi kung magsisinungaling pa ako. May hinala na rin naman si Mama.

"Paano mo siya nakilala? Iyon ba ang dahilan kaya lagi kang umaalis ng mansyon, ha?"

Sa bawat segundong hindi ako makasagot, nauupos ang pasensiya nito. Bakas iyon sa nagdidilim niyang paningin. Tinitigan ako nito bago tuluyang bumugso ang kaniyang galit. 

"Zhalia, hindi kita pinagbabakasyon rito para makipaglandian! I let you have your summers here so you won't miss us, not so you can go around flirting with a Valerio boy!" Her rage stormed through the room.

"I'm sorry, Mama."

When we fight, a sorry was all I can really say. Marami akong gustong sabihin ngunit hindi ako makapagsalita sa sama ng loob at takot. Nanginginig at hinahapo ang bawat paumanhin ko, isang tahimik na pakiusap na tumigil na ito.

"Diyos ko, hija. You are so young to be flirting around! That's common sense, right? We gave you the best education so you could be a prim and proper young lady but now, you did this! What a disappointment!"

You know what happened next. My heartbeat elevated to a dangerous level when Mama hit me. I turned stoned cold. Hindi ako makahinga. Muli akong nilamon ng takot.

Masakit ang sampal niya at ang bawat hampas niya sa akin sa tuwing pinagbabantaan ako na huwag nang uulit sa ginawa ko.

"Promise me you won't see the boy again."

Napatango na lang ako sa sobrang takot. Umiiyak ako sa buong oras na sinisigawan ako nito. I cried so much, it felt like a payback from all the days I have spent so happy.

"You know I would not have done this if you were a good girl.." Mama said when she had calmed down a bit.

The blame is on me after all.

Umaagos pa ang mga luha ko at mahapdi pa ang pisngi ko nang iwan ang opisina nito. Hindi ako natulog nang gabing iyon.

Have you ever felt like you belong nowhere? Like everywhere else suffocates you? Palagi ko iyong nararamdaman. But when it happens, I imagine a place where everything is calm, where I am at peace, safe, rested and comforted.

Now I no longer need to imagine. I knew that peace and solace is not always a place, sometimes, it's found in a person. When you find that, would you ever want to return to chaos? I'd rather be in Stav's arms always than anywhere else, no matter how exaggerated that may sound.

Dahil pakiramdam ko wala akong kakampi sa bahay at ano mang oras ay sasaktan nila ako, mas umiigting ang kagustuhan kong makasama si Stav. Ngayong tahasan nila kaming pinaghihiwalay, mas nagrerebelde ang puso ko. Gusto kong kalabanin ang lahat. Gusto ko silang suwayin.

When you are tied with chains, you want to be free from them. Not because you are stubborn or untamed but simply because chains hurt. The chains around my neck had been hurting for so long, I could no longer tolerate them. Gusto kong puntahan si Stav.

At iyon nga ang ginawa ko. Noong nakapasok na sa kaniya kaniyang trabaho sila Mama, nagpasama ulit akong umalis kay Lyon. Pati si Ida, sinamahan na rin kami ngayon dahil wala ng tiwala ang mayordoma kay Lyon.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon