XLIII

348 19 4
                                    

XLIII

Napabalikwas ako nang bangon nang matanggap ang text niya. Natuptop ko ang bibig ko at pinaypayan ang sarili. This is Stav, of course. Ni hindi pa nagpapakilala ay alam ko na.

"Yes." Mabilis ang sagot ko.

"Okay. Good night."

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko. Iyon lang? Good night agad?

"Who's this by the way?"

"You answered without knowing who this is?"

"Is this Stav?" Kinagat ko ang labi.

Nakaka-best actress ang pagpapanggap ko sa part na 'to. Parang naglolokohan lang kami pero ang mahalaga humahaba ang usapan.

"May iba pa bang magtatanong kung nakauwi ka nang maayos?"

Lumawak ang ngisi ko. Bakit hindi niya na lang sagutin ang tanong ko?

"Yes."

"Who?" His reply came within a blink of an eye.

"Just some guys..."

Nang hindi na siya nagreply ay dinagdagan ko iyon.

"I mean my brothers."

Still, no reply. So I explained more.

"You know, Zach, Zeph, and then Zeke."

"Okay."

Napasimangot ako. That's all I get? Okay? Okay na naman? May hindi ba okay sa kaniya?

My phone chimed and my heart jumped with it.

"Sleep now, Clem. Good night."

Natuwa man sa good night niya ay bahagya akong nadismaya dahil gusto pa siyang makausap. But what can I say? That's a dismissing cue. Labag sa loob kong ibinaba ang cellphone ko't nagtalukbong na upang matulog.

Nang sumunod na araw, dumating na ang kuya ko mula sa Manila. Bumisita si Zeke para sa paparating kong kaarawan.

"Zeke!"

Tinakbo ko ang hagdanan mula sa bulwagan patungo sa kapatid.
Sinalubong niya ako ng yakap at pinaikot sa ere.

"Madre Mia, don't do that to your sister, hijo. Nakakahilo iyan. Isa pa, she's wearing a dress for goodness sakes. The butlers around might have taken a good look of her undergarments." Mahabang litanya ng Auntie Camila nang ibaba ako ni Zeke.

"Good morning din sa'yo, Tita." Balewalang tugon ni Zeke.

"Tell me, sermon talaga lagi ang almusal mo rito?" Inakbayan ako nito papasok sa mansyon.

"Lyon!" He made a high five with Lyon when we reached the living room.

"Kumusta? Laro tayo mamaya? Polo, equestrian? Nakakamiss ang rancho." Sunod sunod na aya ni Zeke.

"Oo ba, sama rin natin si Lia. Marunong na iyan."

"That's great! Para rin hindi na siya tumatakas at pumupunta--" Tinakpan ko ang bibig ni Zeke.

"Kuya, ano ba? Kinwento ko sa'yo iyon pero hindi alam rito na tumakas ako. Ang alam nila namasyal kami ni Lyon."

"E saan ka nga ba kasi pumunta ng hindi kasama si Lyon?"

"Diyan lang. Namasyal."

"Ano, polo tayo Zeke? Isama natin sina Aaron at Gustav." Si Lyon na nang-aasar lang yata.

Nakakaloko ang ngiti ni Lyon. Tinapunan ko ito ng matalim na tingin.

"Sige, kailan ba?" 

"Anytime. Maybe Lia could watch? For sure, she'd like to cheer for someone."

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon