XLII

302 16 2
                                    

XLII

"Pinabibigay ng Auntie. Nakalimutan ko kaya ngayon ko lang naibigay." Inabot ko ang maliit na kahon kay Lyon.

Umagang umaga ay naglilibang na naman siya sa kwadra. The long line of the stables were empty of people. Dinaig niya pa ang mga tauhan sa dalas ng pamamalagi niya rito. Sa bandang dulo ng kwadra, natagpuan ko itong sinusuklayan ang kaniyang kabayo.

"Ano iyan?"

"A birthday gift."

Huminto si Lyon sa pagsusuklay sa kabayo upang simangutan ako.

"Tapos na ang birthday ko, Lia. Noong May 30 pa."

"I know, right? At na sa America pa ako noon kaya hindi kita nabigyan ng regalo. Here, it's a late birthday gift. Just accept it." Naiinip kong inabot muli ang regalo.

Lyon went to the other side of the stable, grabbed a hand towel and wiped his hands clean before accepting the present.

"Thank you rin pala sa gift niyo ni Tito Leonelle." Pag-aalala ko sa kagabi.

"Ah so kaya mo naalalang bigyan ako dahil rinegaluhan ka ng Tito?" Panunukso nito.

"Hindi naman.." Ipinilig ko ang ulo.

"Ano'ng binigay niya sa'yo?"

"Nothing fancy."

"Ano nga?"

"A new horse?"

Lyon stifled a laughter.

"Too flashy." Bulong nito.

"I know, right? E di kayo na ang mayaman. Namimigay lang ng kabayo." Biro ko pabalik.

The lines on his lips and cheeks appeared. Hindi na siya nagkomento at kinalas na ang laso sa bitbit na kahon. Ni hindi ko alam ang laman noon.

"A bracelet?"

Hinanap ko sa mukha niya ang pagkagusto roon. A ghost of amusement was etched on his sharp features.

"I have never worn a bracelet before."

"Duh, men's bracelet naman ito. Bagay sa'yo 'yan!" Pinagmasdan ko ang kulay itim na leather cord bracelet.

"You don't really have a sense of fashion, Flavio. This would look good on your veiny wrist. Hindi porket bracelet, pambabae na."

"I like it, Zhalia. Ano bang nirereklamo mo riyan?" Putol niya sa litanya ko. Nagliwanag ang mukha ko.

"That's great. Akin na, isusuot ko sa'yo."

I took the black accessory from the box. I held Lyon's hand and wrapped the bracelet around his wrist.

"See? Bagay sa'yo."

"Tss. Sabi mo e. Bumalik ka na sa mansyon at mag-almusal." Agaran niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ko.

"Tapos na."

Muling naging abala si Lyon sa kabayo niya. Nang hindi pa ako umalis sa tabi niya, nilingon niya ako na parang kinukwestyon ang pananatili ko roon.

"You need something." Deklara nito.

My lips raised. He knew me so well.

"Itatanong ko lang sana, alam mo na ba kung saan nakatira si Cass?" I asked charmingly, afraid that Lyon would lose interest and not hold on to the conversation.

"I don't know, Lia."

"Well, uh, they seem rich. What does his family exactly do?"

"Businesses. Estate owners."

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon