LIV

327 12 0
                                    

LIV

I waited for days but he never came.

I don't know what happened with Stav. Ang sabi niya sasamahan niya ako sa protesta, ang sabi niya lalaban kami kasama nila tatay Tonyo ngunit nangyari na ang insidente at lahat lahat, wala pa rin akong balita rito.

Everyday, I suffered in loneliness and guilt. The riot never left my mind and everyday, I longed for Stav because he
was the only one who never fails to ease whatever I am suffering.

Dumaan ang mga araw at madalas ay namamalagi lang ako sa kwarto ko. Kaya naman nang minsang madatnan ko ang pagiging abala ng mga kasambahay sa sala, labis ko iyong ipinagtaka.

"Auntie Martina won an international deal with a rum company, Lia. Nanalo sila laban sa mga Valerio na kakumpetensiya ng negosyo ninyo sa deal na iyon," si Lyon ang nagpaliwanag sa akin.

Nang sumunod na gabi, nasaksihan ko ang pagpapalit anyo ng mansyon para sa isa sa pinaka-engradeng party ng Auntie Martina. Hindi ako makapaniwala. Isang linggo lamang matapos ang insidente sa riot ng mga magsasaka, narito siya at nagpapaparty na naman. 

It was an exclusive party to the elite. Puro mga mayayaman at kasosyo lang sa negosyo ang imbitado. Hindi sana ako dadalo ngunit binilinan ako ng Auntie na bumaba saglit sakaling hanapin ako ng mga bisita.

I dressed into a sheer maxi dress with a corset and puffed sleeves. The foyer and the main hall was decorated once again in luxury and grandeur. The expensive chandeliers, plus the tables and buffet and the champagne were a perfect match to the evening gowns and suits that graced the halls.

The night was filled with formalities and luxurious indulgences. The Spanish representative of Rumson's made his speech on closing the deal with Azucarera de Claveria corporation. After that, Auntie made her long speech too.

"Sa wakas at nagpakita ka sa mga tao." Nilapitan ako ni Ida sa gitna ng pagsisilbi niya ng mga inumin.

"Sinabihan ako ni Tita. Papanhik rin ako pagkatapos ng speech niya. Tara, do'n tayo sa kwarto ko?" Aya ko.

"Nakikita mo bang nakauniporme pa ako, Lia?" Ida sarcastically showed me her maid's uniform.

"Well, you're my personal handmaid. Hindi ka dapat nagsisilbi rito."

"Inutusan ako ni Minerva. Wala kang magagawa."

Dumako ang mga mata nito sa banda ni Lyon bago tinapik ang braso ko.

"Maiwan na kita. Nandyan na ang best friend mo."

Paglapit ni Lyon ay siya namang pag-alis na ni Ida. Nakabalandra ang ngisi nito habang patungo sa akin. He wore a white suit and his hair was slicked back although some of its thin strands still formed a curtain on his forehead. I also noticed that he had no other accessory except the silver bracelet that I gave him. 

"Tikman mo 'to, Lia. Sarap!" Pilit niya akong sinubuan ng dala niyang parfait na iniwasan ko naman.

"Kanina ka pa palakad lakad, Lyon. Saka nagsasalita pa ang Auntie, it's not time for dining yet and you're already eating the desserts."

"Boring kasi ang party na ito kung hindi ako maglilibot o kakain. And I'm wearing a nice suit, dapat lang na ilakad ko para mapansin ng mga magagandang babae."

His suit was a Dior if I remembered the design right. It's true it's nice. Siya lang ang ganoon ang istilo ng damit sa party. If you see that suit, you know it's Lyon.

"Saka galit ka naman kay Martina, 'di ba? Bakit nakikinig ka pa riyan?"

"Hindi ako nakikinig," tanggi ko.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon