XV

533 41 8
                                    

XV

miss

Disaster took place over the next weekend. Hindi ako makapaniwala sa sa sunod sunod na mga pangyayari. My brothers occupied their penthouse in Manila again. Mas malapit kasi iyon sa FNC Entertainment kung saan nalalapit ng mag-debut si Zephaniah.

Dahil doon, pinilit nila akong iwanan si Zeke at manirahan kasama sila. Kung hindi ay ipararating nila kay Mama ang pakikipagkita ko kay Stav. Iyon din ang dahilan kaya lumipat na si Linn sa sarili niyang condo.

"I miss Zeke." I fake whined on my first day in their house.

"He's really my favorite out of all the three of them." Kinakausap ko si Baby Z, ang Samoyed namin.

Hindi ako pinansin ng dalawang kuya. Katunayan ay para rin lang akong naninirahan mag-isa sa bahay nila. Palaging na sa ospital si Zach habang si Zeph ay palaging nag-eensayo sa kaniyang entertainment company.

"I'm moving here again." Deklara ko nang minsang bisitahin ko si Zeke.

His penthouse is a few minutes away from my new home but I still prefer living with him.

"Just buy your own unit, Z."

"As if papayagan ako ni mama? Ayaw niya nga akong manatili rito sa Pilipinas, hindi ba?"

"Oh eh bakit sa akin ka nagagalit?"

Tumikwas ang nguso ko. Palagi akong tinatawagan ni mama at pinauuwi na ngunit hindi ko pinatatagal ang mga usapan namin. Hindi ko rin siya binibigyan ng tiyak na petsa kung kailan ako babalik ng Claveria.

Nang sumunod na araw ay inasikaso ko na ang pag-eenroll ko sa Benilde School of Design and Arts. Nagpresenta si Lyon na samahan ako at pumayag naman ako.

My original plan was to study Fine Arts in UP. Naasikaso ko na rin ang requirements doon at qualified na ako sa automatic admission. Ngunit dahil wala naman akong matitirhan malapit sa Diliman ay nag-Benilde na lang ako.

"Nag-enroll na rin si Stav kahapon." Lyon informed me.

Pagkatapos mag-enroll ay nagkape muna kami sa isang coffee shop. Umasim ang mukha ko. Parang biglang pumait ang sinisimsim kong iced latte nang marinig ang pangalan ni Stav.

Sinabi nga sa akin ni Linn na nag-enroll na ito kahapon. From what I heard, he's studying in La Salle. Nagkita sila pagkatapos noon. I think things are going well with the two of them.

"He's taking a pre-med course." Dagdag ni Lyon.

Tumango ako. Not like I am interested.

"Alam na ba ng mama mo na nag-enroll ka na?"

"Nope. Saka ko na sasabihin 'pag nakauwi na ako."

Magbabayad na ako ng mga kinain nang hindi tanggapin ang card ko sa counter. Nagpresenta si Lyon na bayaran ang mga inorder ko ngunit masama ang kutob ko.

"Can you try this one?" I offered another card.

Tama ang suspetiya ko. Ibinalik rin iyon ng cashier dahil declined rin iyon. Sumama ang tingin ng cashier at parang gusto niya na akong sampalin nang nagbigay pa ako ng isang card. I offered at least 10 more only to find out that all of them are suspended.

"I can't believe this!" Lulan na kami ng Bugatti ni Lyon pauwi ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Nakakahiya at siya pa ang kasama ko nang mangyari ito. Nasisiguro kong kagagawan ito ni mama.

"Hayaan mo na. You can use your brothers' cards instead."

"No, mom can't keep on doing this. I'm going home tomorrow." I retorted.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon