V
partyHindi ko alam kung kaba o tuwa ang madarama nang maulinagan ang baritonong boses ng aking mga kapatid. Ngunit nang matanaw ko ang mga ito sa sala, mas nangibabaw ang huli.
"Paanong hindi ninyo napansin? Naniwala naman kayo na matutulog lang siya sa kwarto. No one dared to check on her?" Dinig ko agad ang galit ni Zacharia, ang panganay kong kuya
"Maybe we can just call the city hall. Ask help from the cops to search the entire province." Mababa ngunit seryoso ang boses ni Zephaniah. Impit akong natawa. Really, Zeph? Pulis agad?
"Tinawagan ko na nga. Pauwi na iyon." Kalmadong depensa ni Zeke.
"It's been hours, Ezekiel. Bakit wala pa rin? At bakit hindi na matawagan ulit?"
"I'm home!" I squealed as I made my appearance. Everyone in the living room turned heads for me.
"See! Andiyan na!" Tuwang tuwa akong iminuwestra ni Zeke na para akong isang himala.
Ang mga kasambahay ay tila nabunutan ng tinik pagkakita sa akin. Tatakbo pa lang ako patungo sa mga kuya ko ay dinamba na ako ng malaking Samoyed.
"Oh my god!!" Mas lalong umapaw ang tuwa ko nang makita si Baby Z. I can't believe they even brought her here!
She's our dog back in Manila. Zeph wanted to name her after me, as in baby Zhalia. But ironically, all our names start in Z so it looks like she's named after all of us.
"Baby Z!! I missed you!" Napahiga ako sa sahig habang patuloy niyang dinidilaan ang bawat parte ng mukha ko. Ginulo ko ang balahibo niya habang paulit ulit siyang niyayakap.
"Mukhang mas namiss mo pa iyan kaysa sa amin ha." Komento ni Zeke.
Ayaw mang paawat ni Baby Z ay tumayo na ako't nilapitan si Zeke.
"I miss you!" I jumped into his open arms. He lifted me up the ground and twirled me so fast. Hinampas ko pa ang likod niya para lang tumigil sa pag-ikot sa akin.
"Zeke nakakahilo!"
"Miss you too." Pinisil niya ng napakariin ang pisngi ko.
"Kuya oh!!" Sinumbong ko kay Zach ang ginagawa ni Zeke.
"Stop Ezekiel!" Hinampas ko ito nang ayaw tigilan ang pagpisil sa pisngi ko.
"Hindi ka kakampihan niyan. Galit 'yan sa'yo." He laughed before letting go of my cheek. Niyakap niya ulit ako pero pumiglas na ako.
"Kuya, I miss you!" Si Zach naman ang nilapitan ko at niyakap. Nanatiling tuod si Zach at hindi sinuklian ang yakap ko.
"Didn't you miss me?" Malambing kong tanong.
"Saan ka nanggaling?" Nagpipigil ng galit ang tono nito.
"Diyan lang." I smiled sweetly.
"Saang diyan lang? Pinahanap ka namin sa azucarera, wala ka roon."
"Malayo, kuya eh. Hindi ko alam ang pangalan ng lugar."
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...