VIII

607 40 29
                                    

VIII

like

"Ano na namang kalokohan iyan Zhalia?" Mom raised a brow from sipping her tea.

Dalawa lamang kami sa hardin para sa almusal kaya naisip kong ito ang tamang tiyempo upang magpaalam sa kaniya.

"Ma, may model casting nga po akong dadaluhan sa Manila."

Ilang beses ko na itong sinabi sa kanila noon. Napaghahalataan lang na hindi talaga nila pinakikinggan ang mga gusto kong gawin.

"You're really stooping down for that casting? Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? A Luisiana attending a casting call? It'll ruin our reputation. Baka isipin pa nilang hindi ka magaling na modelo."

Pinigilan kong mapabuntong hininga. I don't want to show her any sign of my frustration. Baka lalo lamang itong mainis.

"That's the only way I could get to their company, ma. Lahat naman po ng modelo dumadaan roon."

"I'm sure Camila could help, hija. She could get you to model for famous designers. Carrolina Herrera, Ralph Lauren, name it. If you want an agency, I could sign you with IGM models. I'm acquainted with their CEO. Or I'll talk to the editor-in-chief of Vogue Philippines to get you on their cover."

Hindi ko na napigilan at kumawala na ang buntong hininga ko.

"Ma, please, I want to try it on my own. I want to be known in this industry without using my connections."

Mom let out a satire laugh. She fanned herself with her hand. Napahawak siya sa bato ng kaniyang kwintas na parang doon siya humuhugot ng lakas.

"This is why you are born with privilege, Zhalia. Don't try living like an ordinary person. You can't."

Napailing ako. Ang lahat ng pagkain sa hapag ng umagang iyon ay ni hindi ko nagawang galawin.

"What do you want me to do?!" Naibulalas ni Linn nang mag-usap kami sa kwarto ko kinahapunan.

Akala ko tuluyan ng gumuho ang lahat ng pag-asa ko ngunit nang dahil sa ikinuwento ni Linn, nabuhayan akong muli. She has been exchanging text messages with Stav. They're probably flirting. Wala naman akong pakialam. Ngunit nang banggitin ni Linn na aalis si Stav bukas patungong Manila, nagliwanag ang buong buhay ko.

"Tell Stav na sasabay tayo sa kaniya bukas pa-Manila."

Muling nalaglag ang panga ni Linn.

"Nakakahiya, Z. Saka itatakas kita? No way. Baka ipapatay ako ng mga maldita mong tita. Lalo na ng mama mo!" She looked so horrified at the idea.

"Linn, this is my dream." Paawa ko.

"I know but—"

"Kapag hindi ko naabot ang pangarap ko, tandaan mo ang araw na ito."

Naubo si Linn bago pumalatak.

"Seryoso ka ba? I thought you hate Stav?"

"No. Hindi na ako galit sa kaniya. Saka you like him, right? Then I support you."

"Sinasabi mo lang 'yan para mapapayag ako." May duda sa mukha ni Linn.

Pinigilan ko ang pagngisi.

"Yes. Hindi ba effective? Please. Just ask him kung pwede tayo sumabay." I pleaded.

"Zhalia, hindi nga puwede." Giit niya.

"Wala ka na bang ibang kotse?" Hindi ko napigilang i-judge and BMW ni Stav.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon