IX

527 35 6
                                    

IX

call

Napapikit ako upang ikubli ang pagbaha ng mga problema sa isip ko. Umaga pa lamang kahapon ay mabilis na nabalitaan sa hacienda ang pagkawala ko.

Umulan ang mga tawag ni mama, ng mga auntie at mga kuya ko. Labis ang pag-aalala at galit ng mga iyon. Nagawa ko namang magsinungaling at sinabing nag-commute kami patungong Manila upang pagtakpan si Stav.

"Saan mo namana iyang pagiging pilya mo, Zhalia? Akala ko ako na ang pinakamalala sa pamilya--" Napatigil sa pang-aasar si Zeke nang batuhin ko ng throw pillow.

"I didn't do anything wrong okay? Pagkatapos ng model casting ko, uuwi rin ako sa Claveria."

"Mabuti na lang at pinagtakpan kita. Kung hindi, nagpapunta na si mama ng tauhan rito upang sunduin ka." Zeke bragged confidently. Nangunot ang noo ko.

"What do you mean? Ano'ng sinabi mo sa kaniya?"

"Ang sabi ko dumiretso ka sa bahay nila papa. Sa ganoon, hindi siya magkakalakas ng loob na sunduin ka."

"Kuya!" Mas lalo ko itong pinaghahampas ng throw pillow.

"What?" Pilit niyang sinasalag ang bawat hampas ko.

"Mas lalo iyong magagalit sa akin!"

"Z, it's fine. Okay naman na si mama kahit pa umuuwi ka roon sa bahay ni papa at ng pangalawa niyang pamilya. It's been so long since their separation." Zeke forcedfully held my wrists to stop me from punching pillows at him.

"Dumbass!" Singhal ko bago nagmartsa patungong kusina. Natalisod pa ako sa nagkalat na canned beer. Umalingawngaw ang halakhak ni Zeke dahil roon.

"Seriously kuya, get a house keeper!"

Naiirita kong iginala ang paningin sa kalat ng buong bahay. The urban modern interior of his penthouse could have looked expensive but with the rubbish around, it was such an eyesore.

"I won't need a housekeeper if you're here." Zeke drawled lazily before joining me in his messy dining area. Empty boxes of pizza and unlit cigarettes lie on the table.

"Dito ka naman titira kapag nag-college ka, hindi ba?"

"Wow. Tingin mo ipaglilinis kita? Kapal." Dumampot ako ng pizza mula sa isang box na may laman.

"Ibenta mo ang unit mo tapos dito ka tumira. Hindi kailangang malaman nila mama. It's a win-win situation. You get passive income of your own while living with me. You just have to clean." He leaned on the table seriously, like he's talking business.

I scoffed so hard that I nearly choked on my pizza. He'll go that extra mile just to make me clean his house.

"Sanay na sanay kang mang-budol."

"Well, talented."

"No thanks. I'd rather have my own privacy."

"Ano'ng privacy ba ang gusto mo? Pwede ka namang mag-uwi ng lalaki rito. I won't tell mom."

"Zeke!"

Zeke threw his head back for a thunder of laughter. Mas lalong nagulo ang natural niyang magulong buhok sa kaniyang paghalakhak.

"Nasaan nga pala si Stav?"

Natigilan ako sa pagkagat sa pizza nang mabanggit niya ang pangalan ni Stav. Umulit sa akin ang usapan namin kahapon.

"Do you like Lyon?"

Namilog ang mga mata ko nang lingunin si Stav. Hinanap ko sa kaniyang mukha ang bakas ng pagbibiro ngunit gaya ng madalas, pirmi lamang ang mapagkubli noong ekspresyon.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon