LIII

290 10 1
                                    

LIII

Kahit mahirap para sa akin ang maghintay nang walang ginagawa, ginawa ko pa rin dahil iyon ang bilin ni Stav. But it was torture sitting in the comfort of our mansion, doing nothing when I know tatay Tonyo and all the other farmers are outside the gates of our hacienda, fighting for their rights. 

Hindi ko alam ang nangyayari dahil madalas na sa opisina lamang si Auntie Martina. Ngunit nakutuban kong lumalala na ang sitwasyon nang dumagsa ang mga abogado at ilang mayayamang panauhin sa mansyon. 

Pumuslit ako patungo sa tanggapan ng Auntie. Bago ako masaraduhan ng pinto ng kasambahay, narinig kong nais nang magpakalat ng mga pulis ng Auntie upang patigilin ang nagaganap na protesta. 

That made me extremely worried. Sa ilang beses ko pang pakikinig sa opisina ng Auntie, nalaman kong wala na itong relasyon at si Tito Leonelle. Sa halip, isang mayamang senador naman ang kasalukuyan niyang boyfriend. Iyon din ang planong magpatayo ng subdivision sa mga palayan namin na pinayagan naman ng Auntie. 

Lumipas ang isa pang araw at wala akong natanggap na tawag mula kay Stav gaya ng sabi niyang gagawin niya. I have began to panic. I just had the intuition that something bad is about to happen. I knew that when I see Auntie so often rushing to her office, looking agitated but also mad. I hate to think bad about her but maybe she's up to something evil.

Nang hindi makatiis, muli akong tumakas sa mansyon. Dahil na rin sa kasulukuyang problema ay abala ang Auntie at hindi na napagtutuunan ng pansin ang pagbabawal sa akin. Mabilis akong nakarating sa gate na pinagdarausan ng demonstrasyon ng mga magsasaka. 

Pero iba sa inaasahan ang naabutan ko roon. My feet halted in immense horror at what I saw. There were many police scattered in the gates. They were pushing away the farmers violently. The farmers, in their thin and old bodies, tried their best to defend themselves. 

Nagpapaulan ng tear gas ang mga pulis. Ang mga magsasaka, tinatabunan ng basang tela ang mga mukha nila upang panangga roon. Bitbit ang mga pirasong kahoy ay pilit nilang sinasalag ang mga ka-engkwentro na nappprotektahan naman ng kanilang mga police shields. 

"Dagdag na sweldo lang ang hingi namin, hindi niyo kami kailangang saktan!" Sigaw ng isa sa kanila. 

I heard their cries of hysterics. My heart thorn into thousands of pieces. I have never seen something so evil. Pilit pa nilang itinataas ang kanilang mga plaka kahit na walang kaawa-awa silang itinataboy ng mga awtoridad. 

"Wala na kaming makain! Wala pa kaming matirhan! Wala kayong awa!" I heard another cry.

Sa sobrang takot at pagbigla ko sa kaguluhang nasaksihan, hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili ako sa likod ng gate, estatwang pinanonood ang pagsiklab ng riot sa nakaraan lamang ay payapang demonstrasyon.

"Hindi mangyayari ito kung ibibigay niyo lang ang dapat sa amin! Amin ang mga lupang ito!" Patuloy ang mga panaghoy sa pandinig ko. 

Sa gitna ng kaguluhan ay umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril. The explosion was too loud. The shock from it made me weak in my knees. I shuddered and sat on the ground--horrified.

Nabuwag ang kumpol ng mga magsasaka dahil doon. Ngunit hindi pa nakuntento ang mga awtoridad. Muling umalingawngaw ang nakabibinging tunog ng karahasan. Lalong nagkagulo.

The next flashes in my eyes were pure chaos. Sa sobrang gulo, bahagi na lamang ng lahat ang naipproseso ng isipan ko.

Nagkahiwalay ang mga magsasaka sa takot. Ang iba ay dumapa sa kalsada. Ang iba, mas tumindi ang galit at nanlaban, muling lumusob kahit walang laban sa mga armadong awtoridad. Muling tumunog ang baril. May katahimikan bago ang nakabibinging sigaw. 

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon