chapter 43

805 20 0
                                    

KAYDEN'S POV.

isang matandang babae ang nakita kong nagdidilig ng mga halaman ang aking dinatnan..

Kinakabahan man pero mas lamang ang kagustuhan kong makausap sila.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako bumaba sa aking sasakyan, agad akong nagtungo sa kahoy na bakod upang kunin ang atensyon ng Lola ni Cassandra agad naman akong nakita ng lola nya
Bakas ang pagtataka at tila nag iisip na nakatitig sa aking mukha.

"M-magandang hapon po"
Bati ko pa at ngumiti kay lola.
Tila ba hindi na nya ako natandaan
Ginagap ko ang kamay nito at nagmano tanda ng pagbibigay galang at respeto sa kanya

"Magandang hapon din hijo. Kung mamarapatin mo sa na ay maari ko bang malaman ang pangalan mo?"

Hindi nya nga ako naalala. Bumuntong hininga ako at ngumiti kay lola Carina.

"Lola, ako po ito si Kayden!" Malambing kong pagpapakilala

"Aba dyos ko, ikaw pala nako pagpasensyahan mo na ang lola kung hindi agad kita nakilala aba, e pagkagandang lalaki kaya akoy nagtataka wari ko naman sa edad kung ari ay ikay mamanhikan ng ligaw sa akin "

O_o

*Hahahhahahah*
Sabay kaming natawa sa biro ni lola Carina.
Pfft. Hindi pa rin nagbabago ang lola mapagbiro pa rin.

"Hala sige. Halika tuloy tuloy at ng makapagmeryenda ka"

Paanyaya pa sa akin ni lola habang hawak ang aking kamay at iginiya pa papasok sa loob ng kanilang bahay.

Halos wala itong pinagbago kundi ang
Nagkaroon ng mangilan ngilang karagdagan na kagamitan sa loob.

"Upo ka hijo, at kukuha lang ako ng ating maipangmimiryenda "

"Sige po lola salamat,"

Agad kong tugon.. ngumiti naman sa akin si lola bago nagtungo sa kanilang kusina.
Inabala ko ang sarili ko sa paglingon lingon sa bahay, kapansin pansin ang ding ding na dati ay pinagdidikitan ng larawan ni Cassandra ay bakante na.

"Sino ka?"

O_o

Nagulat ako at agad na napaharap sa babaeng nag mamay ari ng boses na iyon.

*Dugdug*
*Dugdug*

Wala pa man ay agad akong kinabahan
Ito yung unang beses na makakaharap ko ng personal ang ina nya dahil nangingibang bansa ito noon.

*Lunok*

"A-ah Magandang ha-hapon po, ma'am ako p-po si K-Kayden"

Nakita ko ang pagbalatay ng gulat sa mukha nya na agad napalitan ng blankong tingin, bagay na ikinatungo ko.

"Ohh. Anak nandyan kana pala halika at magmeryenda kana din nasaan na si Andoy?"

Lihim akong nagpasalamat dahil nagbalik agad ang lola Carina.

"May bisita ka pala Ma,"
Usal pa ng ina no Cassandra bago naupo sa sofa
Napapahiyang naupo rin ako, nabablangko ako..

"O, Hijo pagpasensyahan mo na itong meryenda namin at nilagang Kamote at kape lang ang maihahain ko "

Nakangiting sabi pa ni Lola Carina
Ngumiti naman ako at tumango sa kanya

"Ayos lang po, lola hindi na po sana kayo nag abala pa, pero salamat po dito"

Naupo naman agad si lola sa katapat ng inuupan kong pang isahang sofa.

"Oh, maiba ako Hijo. Anong sadya mo dito? Ngayon ka lang nagawi dito,"

The New CEO was my EX (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon