Chapter 37 : Let's Start A New

917 17 0
                                    

CASSANDRA'S POV.

nakakatamad bumangon, 8 AM na at nakahiga pa rin kami ng anak ko, nakakapagtaka na wala pa si Nathan

Masyadong magulo na ang nangyayari
Hindi ko alam kung paano ako, makakalampas dito

*DINGDONG*

baka si Nathan na yun!

Bumangon ako at nagtungo sa CR para mag hilamos at magsepilyo,

*DINGDONG*

Nangunot ang noo ko, may susi namang kanya bat di pa pumasok,. Baka naiwan nya sa Condo nya.

Napabuntong hininga ako bago bumaba
At tinungo ang Gate at binuksan ito

*Gulp*

Agad ko sanang isasara ang Gate ng may malakas na pwersa ang pumigil dito

"Sandra please, talk to me!"

Yeah it was Kayden, and not Nathan.

Napapalunok na bumitaw ako sa gate, dahilan para makapasok sya.

"a-anong kailangan mo?" tiningnan nya ako gamit ang matang puno ng lungkot at tila ba nagmamakaawa,

"please Sandra, i want to fix this,"

"tara sa loob, doon na lang tayo mag usap"

Paanyaya ko at nagpatiunang lumakad papasok sa Loob.
Ang daming bagay na naglalaro sa isip ko!

Agad akong naupo sa pang isahang sofa,
At ganun din ang ginawa nya,
Bale magkatapat kami.

"Sandra, i want to be a father to our Child, please tama na ang paglayo, hayaan mo akong bumawi sa mga panahong wala ako sa tabi nyo"

Nag angat ako ng paningin at mariing pumikit,
Binabayo ng kaba ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, isang maling salita at kilos ko lang maaaring mawalan ng saysay ang lahat ng sakripisyo ko.

" Kayden, im sorry kung naging selfish ako sayo at hindi pinaalam na may anak tayo, pero ang mga bagay ay nangyari na at hindi ko na maibabalik pa,
Hahayaan kitang maging ama sa anak natin dahil karapatan mo rin yon,"

Malungkot na tumango tango ito,
Upon seeing him miserable like this making my heart break into a pieces.

" i understand, pe-pero Sandra, pupwede bang magsimula ulit tayo? "

Nagulat ako, literal na nagulat ako. Hibang ba sya?
Ayokong mapahamak sila pareho ng anak ko,

*lunok*

"Kayden, i already told you, my reasons why, ayoko ng balik balikan pa"

"bakit ba ganon na lang kadali sayo ang sumuko at hindi lumaban?"

Pinukol ko sya ng masamang tingin!
Sasabog na ako, putik na yan ganon kadali sakin?
Kung alam nya lang ang pinagdaanan ko.!

Pagak akong natawa bago ko sya sinagot

"seriously? Akala mo ba ganon kadali ang lahat sa akin Kayden? nagsakripisyo ako alang alang sayo, at kay Phoenix, nagsakripisyo ako para hindi kayo mahirapan, tiniis ko ang lahat ng hirap at pasakit para hindi kayo maapektuhan, pinalayas ako ng pamilya ko ng malamang buntis ako, gabing gabi umuulan, naglalakad sa dilim umiiyak at nawawalan ng pag asa pero kinaya ko, kinaya ko ang lahat dahil mahal kita!
At mahal ko si Phoenix! "

" mahina kasi ang tingin mo sa akin Sandra, nakakapangliit na hindi mo man lang ako kinompronta, bago ka gumawa ng Hakbang MAHAL KITA!
Alam mo yun, pero sana bago mo ako iniwan naisip mong kaya ko ding Magsakripisyo, handa naman akong talikuran ang lahat e, handa akong harapin kahit gaano kahirap ang lahat, basta KASAMA KA!,"

The New CEO was my EX (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon