CASSANDRA'S POV.
"Mommyyyyyyy"
Nagulat ako ng tawagin ako ng mga anak ko..
Nagmamadali akong lumapit sa Apat kong Anak na nasa Living room at tutok na tutok sa telebisyon.."Bakit?" Tanong ko pa ng makalapit ako..
"Malapit na!"
Nakangiti akong tumingin sa telebisyon ..
At umupo sa Tabi ng mga bata..Taimtim na nanonood ang kambal at tila nasisiyahan pa sa pinapanood..
Nakatutok ang Camera sa isang napakagwapong binata na ngayon ay nagmamartsa patungo sa entablado..
Napakagwapo nito sa suot na kulay itim na toga..
Bagaman may pagkaseryoso ang mukha ay hindi maitatangging gwapo talaga..Ngumiti ito ng matanggap ang parangal at ang Diploma na syang magpapatunay sa naabot na pangarap at kursong tinapos ..
Nakakatuwang nagawan pa ng paraan ng may hawak ng kasalukuyang Camera.. para mapalapit ang kuha nito..
Galak na galak kong pinukol ang tingin sa asawa kong ngayon ay tila nagnining ning ang mga mata sa galak at nangingilid pa ang luha..
Kaarawan ng pagtatapos sa kolehiyo kursong Business Management ng panganay naming anak na si Phoenix..
Oo..
Disesyete taon ang lumipas at marami kaming pinagdaanan.. sinubok kami ng sandamukal na problema at pagsubok subalit pinatatag kami ng panahon..
Biniyayaan pa kami ng dalawang anak pa
Na sina Kyline Carine na ngayon ay labing isang taong gulang samantalang ang bunso namin ay Christian kyle na ngayon ay walong taong gulang na..Nakakalungkot mang sabihin subalit nasa edad na walong taong gulang ang panganay naming si Phoenix ng magpasyang sumama kay Nathan sa USA at doon nagpatuloy ng pag aaral kapwa kami tumutol ni Kayden sa kagustuhan nyang iyon subalit wala na kaming nagawa ng umabot sa puntong magkulong ito sa kwarto at hindi kami kinakausap ..
Kapwa nababahala kami sa kinilos nyang iyon kaya kahit masakit at mahirap tanggapin ang kagustuhan nyang malayo sa amin ay pinahintulutan na lang namin..
Nagpapasalamat ako sapagkat sa lahat ng pagkakataon palaging nandyan ang Daddy Nathan nyang nakasuporta sa bawat kilos at hakbang nya..
May pagkakataong umuuwi sila ng pilipinas kung bakasyon at kung minsan ay kaming pamilya ang dumadalaw sa kanya doon sa USA..
Palagi kaming madalas tumawag doon sa kanya bagaman malaking diperensya ng oras ay pilit ni Kayden gumigising para ipaalala sa akin ang oras na pwede kong kausapin si Phoenix..
Masaya na sya sa mga kwentong naririnig nya mula sa anak..
Madalas ay hindi sya humaharap sa Camera para hindi sy makita ng bata.Nakakatuwang ng minsan syang kamustahin ng anak sa akin at itanong kung kumusta ito ay naiyak pa ito lalo na ng sabihin nitong namimiss nya kami at mahal nya kami..
Merong tagpong minsan ay lingid sa kaalaman nyang itinutok ko ang Camera sa kabuuan nya dahil sa kahilingan ni Phoenix na gusto rin nyang masilayan ang ama ay pareho pa silang naiyak
Humihingi ng tawad ang Ama sapagkat hindi raw niya naiparamdam ang pagiging ama nya sa kanya bagay na palaging itinatangi ni Phoenix at sinasabing sya ang may problema..
Nung mga oras na yon ay humingi ng Tawad si Phoenix sa ama dahil hindi nya na naalis ang takot sa twing Kaharap ito.."Hey! Cass! Look at your son.. napakagwapo at mana sa akin!"
Nabalik ako sa reyalidad ng maulinagan ko ang galak na galak na pagtawag ni Nathan at pagmamalaki sa Alaga..
BINABASA MO ANG
The New CEO was my EX (COMPLETED)
RomantikHindi mo kailangang harapin ang lahat ng Mag-isa Handa ako sa lahat basta kasama kita. Pero bakit ganong kabilis mo ako tinalikuran at binitawan? Wala akong paki alam kung maranasan ko ang lahat ng hirap sa mundo basta ang isiping kasama ka Ay alam...