Extra chapter : part two

712 14 0
                                    

NATHAN'S POV.

"Phoenix?"

Marahan ko pang tinapik ang Batang ito..

"Hmmm"

Iiling iling akong tinapik pa ang mukha nito..

"Woy! Tumayo ka dyan!"

"Hmm. D-dad?"

Tch.. ano ba namang bata ito.. maaga akong pamumutian ng buhok dito .. hindi na nagbago.

"Lumipat ka nga sa Kwarto mo! Ano at dito ka na naman sa Salas natulog? Anong oras ka na naman umuwi at lasing kana naman!"

Sumusuray na tumayo naman ito at nag umpisang lumakad.

*Blaaag*

"Argh. Fuck!" Daing pa nito..
Ng mapatama sa divider na nagsisilbing dibisyon nitong salas patungo sa hagdan patungo sa second floor batid kong hindi nito kaya ang umakyat kaya sa sofa natulog..

Napipikang inalalayan ko ito paakyat..

"Oh! Anyare dyan? Anong oras umuwi?"

Gulat at takang tanong ng Misis ko..

Oo misis ko!

Napakamalas ko naman kung hindi ako mag aasawa at habang buhay na lang si Phoenix ang kasama hahaha. .

"Ewan ko,. Kung anong oras umuwi Sweetheart ihahatid ko lang ito sa Kwarto nya at papalitan ng damit bababa na rin ako"

Agad na sagot ko pa bago ito tumango at nagtungo sa kusina..

Pabato kong inihiga si Phoenix sa kama nya at iiling iling na namaywang sa gilid nya. 

Tumingin ito sa akin at pasiring akong tinawanan na kina iling ko na lang
Nagtungo ako sa closet nya para kumuha ng jersey shorts at sando ..

Agad akong bumalik sa tabi nya at walang sabi sabing pilit kong iniupo ito..

O dyosko.. ang mga kasukasuan ko ..

"D-dad. I-i can handle myself le-let me do that"
Angal pa nya at pilit na pinigilan ang balak kong pagbibihis sa kanya..
Agad nyang hinubad ang suot na long sleeve na kahapon pa nyang suot bago umalis ng bahay dahil may party silang magkakaklase.
Selebrasyon sa pagtatapos nila sa kolehiyo. .

Naupo ako sa sofa at pinakatitigan ang ginagawa nya.. maayos naman syang nakapagpalit ng damit at muling bumalik sa pagkakahiga at binalot ang sarili ng kanyang Comforter marahil lasing pa ito dahil mukhang nakalimutan nyang nandito pa ako sa kanyang silid. 

Iiling iling akong inilibot ang paningin sa kwartong ito..

Nangiti na lang ako ng makita naglalakihang picture frame na nakadikit sa pader ..
Larawan nila nung ikinasal sina Kayden at Cass .
At ang kasalukuyang family picture na mayroon sya seven years ago nung nag isang taon ang bunso ng pamilya nya .

Ng tumuntong sa Kolehiyo si Phoenix ay hindi na ito muling nakabalik upang magbakasyon sa pilipinas.. ang huling pagkikita nila ng pamilya nya sa personal ay noong bakasyon nya first year college sya noon..

Kay bilis ng panahon na ang dating Phoenix, ay walang pinagbago kundi ang palagi akong pakabahin.. nakakatuwang sa relasyon namin bilang mag ama na hindi man lehitimo ay talagang hindi matatawaran kung paano nya akong irespeto at igalang noon ay hindi ito nabago.  Madalas kaming lumabas dalawa pag naglalambing ito.. may mga pagkakataon ding minsan ay na aadopt nya ang ugali ng mga taga rito hindi ko sya masisisi dahil iba ang environment dito kumpara sa pilipinas. 
Natatandaan ko ng minsang hindi ko inasahang sasagut sagutin nya ako ay pinarusahan ko ito..
Sinamsam ko ang lahat ng ATM at Credit Cards nya maging ang susi ng kanyang sasakyan at ang mga gadgets nya .

The New CEO was my EX (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon