CASSANDRA'S POV.
"S-sir Kayden ano ba bitiwan moko"
halos naghihisterikal na singhal ko kay boss.
Bat ba bigla bigla na lang nangyayakap?
Pwede namang magsabi " enebe huehue"
-At san kayo nagkita ng babaeng dinala sa malayong lugar ,na ilang beses ng nabulyawan
Pero kinikilig pa rin-Peste!!
Ang sarap na muling maramdaman na ganito sya kalapit sa akin, hindi ko na kakayanin pang labanan , hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko. Pero kailangan kong magpakatatag.
"Paano kung ayaw ko? Paano kung sa pagbitiw ko mawala ka na naman at hindi na naman ako balikan?" Napabuntong hininga na lang ako at nagpaubaya , dinama ko na lang ang yakap nya..
Pareho kaming tahimik ,
Nakailang beses na akong napapalunok.
Dahil ramdam ko ang pagpatak ng luha sa balikat ko."B-baby!" Ang sarap pakinggan na muli nyang banggitin ang tawagan namin noon, nanatili akong tahimik , dahil ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ayokong bumigay , hindi ppwede!
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya na lalong nagpabigat ng damdamin ko"K-kayden please,ihatid mo na ako pauwi"
Wala akong mai usal kundi ang mga katangang iyon natatakot ako na baka pag tumagal pa ,
Hindi ko na makayanan pa!Bumitaw sya sa pag kakayakap sa akin at hinarap ko sya, ang mga matang puno ng pagkadismaya ang sumalubong sa akin ,
Tumungo sya at inis na sinabunutan ang sarili
Saka muling nagmulat ,"Alright then im sorry , fix yourself we will go back to manila"
Pagtapos non ay tinalikuran nya na ako,
Walang lingon, o salitang nakalabas sya ng pintuan, huminga ako ng malalim at saka pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak
Hinayaan ko ang sarili kong umiyak pansamantala,Pareho lang kami! Pareho naming mahal ang isa't isa at pareho kaming nasasaktan!
Sa aming dalawa ako yung mas nangangamba kung sakaling lumaban pa ako , lalo at alam kong maaaring idamay ng lolo nya ang anak namin.
Sana mapatawad mo ako Kayden pagdating ng panahong malaman mong may anak tayo.
Sorry kung inilayo ko sya sayo, napakalaki na ng kasalanan ko sayo..Alam kong handa mong gawin ang lahat para sa akin pero ayokong ako ang maging dahilan ng lahat kung bakit kailangan mong maghirap mas mabuti na siguro ito.
Handa akong tiisin ang sakit para sa kaligtasan nyong dalawa ni Phoenix, darating ang panahon na handa na akong harapin at sagutin ang lahat ng katanungan mo PERO HINDI SA NGAYON..
KAYDEN'S POV.
nakailang buntong hininga na ako.
Napakatahimik ng byahe namin pabalik ,
Umiyak na naman ako , at pakiramdam ko maiiyak na naman ako sa isiping napakalapit nya na sa akin pero hindi ko pa rin sya magawang abutin.Tang ina talaga! Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng sasakyan ko ng makitang lumabas ng bahay na yon si Nathan !
Nagmamadali at halos takbuhin ang distansya sa pagitan ng sasakyan ko..
Nanggigigil ako sayong lalaki ka! Gusto kitang burahin sa mundo dahil sa nakikita ko ikaw ang dahilan kung bakit ayaw nyang bumalik sa akin!Lumabas ako ng sasakyan at sinalubong sya ng suntok.'hindi ko alam kung anong elemento ng demonyo ang sumapi sa akin at panay ang pakikipagpalitan ko ng suntok sa kanya..
Gusto kong pumatay!
CASSANDRA'S POV.
Hindi ako makakilos ! Peste cass do something!
"Tama na ! Itigil nyo yan!" Wala akong magawa hindi ako makalapit dahil para silang mga basagulero kung magpalitan ng suntok
Naalarma ako ng matumba si nathan at paulanan ng suntok ni Kayden, agad akong lumapit at pilit pinigilan ang malakas na pwersa ni kayden
Nahintakutan ako ng mag angat sya ng tingin sa akin ayun na naman ang matang walang buhay at puno ng galit ang nakatuon sa akinTumayo sya at umayos sa pagkakatindig
"argggh" di pa sya nakuntento at tinadyakan ang kawawang si Nathan..
"Kayden! Ano ba masyado kang marahas wala kana sa lugar!"
"Wala akong paki alam kung pwede nga lang patayin ko na yang lalaking yan ginawa ko na!"
Kinilabutan ako , hindi ko alam kung bakit sa mga salitang binitiwan nya naroon yung maatoridad na tono na para bang kayang kaya nya ngang gawin.
"Nagbago ka na! Masyado ka ng marahas,
Napakabrutal mo nananakit ka na ng tao, namimisikal ka na anong nangyare sa Kayden na concern sa taong nakapaligid sa kanya?
Sa Kayden na mas pipiliing masugatan kesa makasakit? "
-sa Kayden na minahal ko noon?
Gusto ko sanang idagdag pero pinigilan ko ang sariling bigkasin ang mga salitang iyon.Halos sumabog sa kaba ang dibdib ko habang
Sinasabi ko ang mga linyang yan,
Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko
Nanatili ang paningin nya sa akin" Hindi ikaw to Kayden! Hindi na ikaw ang kilala kon---
"CAUSE YOU MADE ME LIKE THIS!"
at sa muling pagkakataon ako naman ang natigagal,
" You are the only reason why i became like this!
Hindi mo nga ako sinaktan physically but
You hurt me here *pointing his heart* mentally and Emotionally! . You made me suffer as HELL!Tinalikuran nya ako , at mabilis na pinasibad ang sasakyan, napaluhod na lang ako at napahagulhol ng iyak, ganito ba talaga ang naging epekto ng pangyayaring yun sa kanya?
Naramdaman ko ang yakap ni Nathan
Hindi sya umimik bagkus hinaplos nya lang ang ulo ko.NATHAN'S POV.
Yakap ko pa rin si Cass habang umiiyak ,
Masasakit ang katawan ko , napuruhan ako ng gago , hahaha dating lalamya lamya
Tang ina ang lakas ng bumanat ng suntok
Naiiling na lang ako, ibang iba na talaga ang hudyo. Hahhaha"Let's get inside Cass" she just noded at me
Inakay ko sya papasok"I-im sorry Nathan, h-hindi ko alam na mangyayari to sayo im really sorry"
"It's okay , im okay you don't have to worry about me ,"
She just look at me angrily at natawa na lang ako,
She just hugged me,"Thank you so much Nathan for everything you did for me and Phoenix" i hugged her back
" Thank you sa inyo ng Baby Phoenix ko, natuto akong maging responsable sa lahat ng bagay hahah!" Ayan na naman sya umiiyak na naman napakadrama , lubos naman kung magtaray
"Lika na gamutin natin yang pasa mo! Bwiset na lalaking yun , ginalusan yung pogi mong mukha"
Natawa na lang kami pareho, hindi ako bumitaw ng yakap , kaya kinurot nya ako sa tagiliran
"A-aray! Teka bitawan mo masakit ,"
Peste talagang dun pa sa tinamaan ng tadyak ng hudyong yun!" S-sorry nakalimutan ko"
Tumango na lang ako at hinayaan syang gamutin ang mga pasa ko'
---------
Itutuloy ho.😆
BINABASA MO ANG
The New CEO was my EX (COMPLETED)
RomanceHindi mo kailangang harapin ang lahat ng Mag-isa Handa ako sa lahat basta kasama kita. Pero bakit ganong kabilis mo ako tinalikuran at binitawan? Wala akong paki alam kung maranasan ko ang lahat ng hirap sa mundo basta ang isiping kasama ka Ay alam...