Extra Chapter : part three

710 14 0
                                    

PHOENIX POV.

Masaya akong iginagala ang aking bagong bagong BMW na regalo ni Daddy Nathan kamakailan lang..

Nagliliwaliw akong mag-isa para ma break in ko ito dahil tutal mas mabilis kong natapos ang mga dapat kong gawin ng lingid sa kaalaman kong ganon pala kabilis kung aasikasuhin agad .

Napagpasyahan kong magpahinga muna tumigil ako sa isang parke at bumaba sa aking sasakyan
Ini lock ko muna ito bago naglakad patungo sa Isang bench sa ilalim ng puno malilom  at malamig ang hangin..

Maalinsangan ang panahon kaya ganito..

Inihiga ko ang sarili sa konkretong upuan at pinagmasdan ang mga dahon ng punong banayad na gumagalaw dahil sa hangin..

Nakangiting pumikit ako at nagbabalik tanaw sa nakaraan..

Miss na miss ko na ang pamilya ko..

Paano ako umabot sa puntong nagkaganito?

Paano kong natiis ang malayo sa Mommy ko?

Alam kong miss na miss na ako non .
At mas alam kong miss na ako ng sarili kong ama..

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng bagay na nagawa nya sa akin ay nagawa ko syang katakutan..

Alam kong hindi nya sinasadya iyon.
At alam kong mali ako noon..

Masyado akong sabik na makita sya
Sila ng mga kapatid ko.. nawala sa isip kong pinatutulog nya ang kapatid kong kambal ng mga panahong iyon..
.

Mahal ko ang Daddy ko. .
Hindi ko man masabi sa kanya ay alam ko sa puso't isip ko na mahal ko sya ..

Sa katunayan Iniidolo ko ang Daddy Kayden ko!

Kung paano nya pinilit bumawi sa amin ni Mommy noon ramdam ko kung gaano nya kamahal si Mommy , at mas lalong Ramdam ko kung paanong nasabik syang makasama at maalagaan din ako..

Lingid sa kaalaman nila ay gusto kong maging isang ganap na piloto ..

Pero nagbago ang isip ko ng makagraduate ako ng Senior High ..

Gusto kong tahakin ang daang tinatahak ng Daddy ko.. kaya pinili ko ang Business Management.. umaasa akong sa paraang ito unti unting mawala ko sa sarili ko ang pangamba sa sarili kong Ama..

Muli akong napangiti ng manaig ang pamilyar na pakiramdam nakakaramdam ako ng pagkagustong makita sya..

Sariwang sariwa sa ala ala ko ang mga bagay na ginagawa ng Ama ko noon kung paano nya ako suyuin at kung paanong naramdaman kong napagod syang suyuin ako..

Hindi ko maitatangging sa bawat kilos ko pag alam kong nasa paligid sya ay ingat na ingat ako..
Ayokong magalit sya sa ulit sa akin.  Ayokong maisip nyang suwail akong bata noon..

Pinipilit kong kumalma at hindi mataranta pag malapit sya sa akin dahil ayokong masaktan ang daddy ko at maramdaman nya ang takot ko..

Saksi ako sa gabi gabing papasok sya sa kwarto ko upang tabihan ako sa pagtulog ultimong pag alis nya sa tabi ko sa madaling araw ay nararamdaman ko ..

Pauulit ulit at walang sawa nyang inuusal angmga katagang patawad.. madalas pa ngang gawin nya ay ang magkwento ng kung gaano nakakapagod ang trabaho nya.. lingid sa kaalaman nyang pinakikinggan ko sya..
Minsan pang hindi ako makatiis at gusto ko na ring mag ngangawa sa pag iyak ng dumating sa puntong humahagulhol sya habang yakap ako at paulit ulit na nagmamakaawang patawarin ko sya..

Hindi ako nagalit sa Daddy ko..

Nag expect lang ako sa sarili kong hindi na ako ulit uulit magkamali.. masyado akong napressure sa murang edad at gusto kong matuwa sa akin ang daddy ko..

The New CEO was my EX (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon