CASSANDRA'S POV
pauwi na kami at lahat Badtrip pa rin ako..
Kainis di ko alam kung saan ako nabadtrip.
Agad kong inayos ang mga gamit ko."Wow, tingnan mo tong kaibigan natin o parang others na us" .
Kalma self. Si Krisha yan likas na pang asar.
Ayokong paglinhan yan utang na loob self."Hi cass, " ngumiti naman ako ng pilit kay ronalisa At tinanguan lang sya.
"Tingnan mo! Napaka unfair mo sakin Cass kay Ronalisa pa smile smile ka pa! Sa akin ni tingin hindi mo gawin!"
Naiiling naman akong nag angat ng tingin sa kanya hahahah
"Pffft. Manahimik ka Krisha buntis yung kaibigan natin baka marindi soon to be inaanak natin!"
O_o what?
"T-teka ! Sino nagsabi sa inyo?"
Naguguluhang tanong ko pa.
Dahil wala naman akong sinabi sa kanila"Duh! Bilib rin naman ako dito sa feeling dyosa nating kaibigan, hindi ko ba naalala ang madamdaming linya ng naghihisterikal at nag huhumirantadong boss naten?"
Natigilan ako at pilit kong inaalala hayop talaga tong si Krisha ang sarap supalpalan ng pako sa. Bibig.
"Wala akong maalalang may binanggit si Kayden !"
"Ay wow. Ang taray First name basis inside the company pa yan ha! Iba ka Cassandra paki impis nyang buhok mong abot hangang edsa sa haba"
Palatak pa ni Krisha habang parang tangang may hinihila sa hangin.
Kakaiba talaga katangahan nito walang katumbas my god.
Ang anak ko naiimpluwensyahan"Bitiwan mo si Cassandra. Dahil pag may nangyaring masama sa kanila ng Anak ko
pagsisisihan mo yan habang buhay!"O_o gulp.
Ngayon ko lang naalala hanep din talaga yung taong yun may masabi lang,
Tch."Ano girl? San na isip mo? Baka gusto mong ichika samin kung paanong nangyaring ang bitter bitteran mong linyahan e, nagbuntis ka nakakabuntis ba yung galit at sigawan nyo nung nakaraan? May utang kapa sa amin! Ang lagay pala e Yung batang nandoon e anak nyo ni Sir Kayden ."
"Teka teka manahimik ka Krisha! Hinay hinay
Grabe bilib din naman ako sa pagiging usisera mo!""Aba't hoooooy, Cassandra Kaibigan mo kami! Grabe ka maglihim ha."
*Pfff*
"Pagbipasensyahan mo na Cass, Ganyan talaga yan. Feeling nya sya nagluwal sayo sa kapal ng mukhang magtanong"
*Bwahahahahahah*
Halos sabay sabay naming pinagtawanan si krisha na ngayon ay hindi na maipinta yung mukha sa pagkabugnot..
"O sya kkwento ko sa inyo tara na habang naglalakad sayang yung oras sa Lobby tayo hahah"
Natatawa akong naglakad kasabau si Ronalisa na ngayon ay ngiting ngiti rin .
Habang nasa likuran namin ang 3j's at si Krisha*Grabe ang sasama ng ugali *
*Hmp. Ang papangit naman*
*Kala mo kung sinong magaganda*
*Pasalamat kayo kaibigan ko kayo*Natatawang nagpatuloy kami sa paglalakad ni Ronalisa hanep sa bulong nahiya pa sya nyan e rinig na rinig namin hahahah.
" Almost 6 years ago na yun magkarelasyon kami ni Kayden nung nasa College kami, Nakipaghiwalay ako sa kanya noon dahil sa malalim na dahilan.. hindi ko alam na buntis pala ako noon kay Phoenix.
Dahil doon hindi ko na sya ginulo dahil ako yung nakasakit ayokong lumabas na naghahabol pa ako sa kanya , nalaman ng pamilya ko pinalayas nila ako, Kasagsagan ng ulan naglalakad ako na parang wala sa sarili doon ko aksidenteng nakilala si Nathan na naging sandigan ko at tumulong sa aming mag ina, napakabait nya dahil lahat ng pangangailangan namin mag ina buhat nung nag buntis ako hanggang sa ngayon ibinibigay nya, kaya ganon na lang ang pasasalamat ko sa taong yon hindi nya kami pinabayaan ng anak ko"
BINABASA MO ANG
The New CEO was my EX (COMPLETED)
RomansaHindi mo kailangang harapin ang lahat ng Mag-isa Handa ako sa lahat basta kasama kita. Pero bakit ganong kabilis mo ako tinalikuran at binitawan? Wala akong paki alam kung maranasan ko ang lahat ng hirap sa mundo basta ang isiping kasama ka Ay alam...