Invitation
Kung hindi sana tunog ng tunog ang telepono, tulog pa sana ako.
Napabangon ako ng di oras dahil sa invitation. Sinabi ng front desk na may kailangan daw akong i-claim kaya bumaba ako.
Nilapag ko ang itim na invitation sa lamesang nasa harap ng couch.
Nagtoothbrush lang ako at naghilamos dahil wala pa akong balak maligo.
Nakakatamad maligo sa lagay ng panahon ngayon dahil maulan at malamig ang tubig.
Nagpajama lang ako at nag hoodie dahil sobrang lamig talaga. Pinatay ko na ang air conditioner dito sa sala pero parang walang pinagbago.
Hinawi ko ang malaking kurtina para makita ang labas.
Malakas ang hangin at unti-unti ng pumapatak ang butil ng ulan.
Bumuntong-hininga ako.
Sinarado ko ulit ang kurtina at pumunta ng kitchen, mahirap mag-order sa panahon ngayong maulan.
Naisipan kong magluto ng soup.
Pumasok ako ng kuwarto para kuhain ang laptop ko. Magche-check ako ng mga sale kung may pinagbago ba.
Naglagay muna ako sa bowl ng soup at nilapag sa maliit na lamesa na nasa harap ng couch pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone at may tinawagan.
"May balita ba?" bungad ko.
"Sa ngayon, miss, wala pa pero hindi kami titigil."
"Huwag na muna kayo magtrabaho ngayon."
"Bakit, miss?"
"Maulan."
"Okay po."
Nilapag ko ang cellphone sa lamesa tsaka kinuha ang aking laptop.
Huminga ako ng malalim ng makitang walang pinagbago sa graph.
I need to think a solution. Hindi pwedeng ganito.
Kunot ang noo na kinuha ko ang soup at sinimulang kainin.
Malapit na sana akong makawala kung hindi nangyari 'to.
Kaya kong palitan ang ninakaw na pera pero alam kung maraming tututol kaya hindi ko ginawa.
Matutounan ko na sana ng pansin ang sarili kong buhay.
Huminga ako ng malalim.
Eto na naman ako. Gustong-gusto kong mapag-isa dahil kontrolado ko ang aking paligid ang kaso kung saan saan lumilipad ang isip ko. May mga bagay na dapat hindi ko iniisip, naiisip ko.
Hindi ko namalayang naubos ko na pala ang laman ng soup kung hindi ko pa gumawa ng ingay ang kubyertos.
Nilapag ko ito sa lamesa at inayos ang hawak sa laptop.
Cinlick ko ang isa sa mga social media na meron ako, naisipan kong
magscroll-scroll habang nag-iisip.Nagsalubong ang kilay ko ng walang humpay ang tunog ng notification ko. Hinayaan ko muna ito atsaka ko ginalaw. Unang kong cinlick ang message.
Maraming nagpadala ng mensahe sa akin pero hindi ko pa nababasa. Ang iba dito ay one month ago pa pinadala ang mensahe.
Tiningnan ko ang mga recent na message.
Aksidente kong napindot ang mensahe ni Denixe, kapapadala pa lang.
Denixe:
Himala at naisipan mong mag-open ng social media mo.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]
Romance"I see myself like a leaf, falling when the autumn season comes. When it started to turn orange and dried, no one will notice the beauty in it. It was like a mess... yet beautiful."