Kabanata 26

40 10 0
                                    

Meeting

Hindi na sila nagulat sa aking ginawa dahil nasanay na sila. Hindi ko tinapos ang unang meeting dahil mas maganda pang basahin ang mga proposal kaysa makinig sa mga sinasabi nila.

“Yvo, pakisabi sa na i-reschedule ang meeting kapag handa na sila.” ani ko habang naglalakad pabalik sa aking opisina.

“Yes, Miss.”

Gumawa ng ingay ang pagsarado ko ng pintuan. Dumeretso ako sa aking upuan at nagbuklat agad ng folder pero napahinto ako sa paglipat ng pahina nang tumunog ang aking cellphone. Binitawan ko ang folder atsaka kinuha ang cellphone.

Nagtaka ako ng makita ang pangalan ni Dad sa aking screen.

“Dad?”

“Hija, nasaan ka?”

“Office,”

“I'll be home in Tuesday, kindly ready the meeting with Mr. UK?”

Tuesday? It means tomorrow?

“Yes, Dad.”

“And, Hailey,” ibababa ko na sana ang linya nang magsalita pa si Daddy.

“Dad?”

“I have a favor,”

“What is it?”

“Can you fetch me tomorrow?”

Hindi na ako nagtanong kung bakit siya magpapasundo at pumayag na lang.

“Okay, Dad. Just text me when you got home.”

Dad thanked me and then he hung up.

Bumalik ako sa ginagawa pagkatapos ang usapan namin. Lumipas ang oras at nadaluhan ko na ang pangalawa at pangatlong meeting at ngayon ay naghahanda na ako para sa dinner meeting.

Hindi kopa pala natatanong kung sino ang makakasama namin dahil kanina ay hindi ko nabasa ang mga pangalan.

Binuksan ko ang pintuan ng opisina at lumabas, nadatnan ko si Yvo na naghihintay sa tapat ng kaniyang lamesa.

“Miss, the car is ready.” tumango ako at nauna ng sumakay ng lift, sumunod naman si Yvo at ang isang bodyguard namin.

Habang nakasakay kami ay tinanong ko si Yvo kung sino ang ka-meeting namin ngayong gabi.

“Si Mr. Gabriel Fernandez po.”

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahang nilingon si Yvo na ngayon ay may sinusulat na kung ano.

“Are you kidding?”

“Miss?” nagtatakang umangat ang tingin niya sa akin.

Nailingan ko siya nang makitang wala naman sa mukha niya ang nagbibiro.

Gosh. Is this really happening?

Napabuga ako ng hangin at lumabas ng lift nang makalapag na ito sa lounge.

Humihinto ang bawat empleyado na madadaan namin para bumati na tinatanguan ko lang.

Natatanaw ko mula sa lounge ang aking sasakyan na nasa tapat ng building.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Yody nang nasa tapat na kami ng kotse.

Naupo ako sa likod at nasa tabi naman ng driver seat si Yvo.

Sa labas ng kotse ang aking tingin habang umaandar ito, tinitingnan ang bawat sasakyan na katulad rin naman na umaandar at mga taong naglalakad.

Nabaling ang aking tingin sa harap nang may tumunog na telepono.

“Sir... Kasama ko po siya ngayon,” napairap ako nang marinig ang boses ng orihinal na amo ni Yvo.

“Copy that.” iyon lang ang huli niyang sinabi bago itago ulit ang kaniyang cellphone.

“Pakisabi nga diyan sa Amo mo na trabaho niya ba ang subaybayan ang bawat galaw ko.”

“Makakarating, Miss.”

Napatingin ako sa rear mirror at nakita kong nagpipigil ng tawa ang dalawa kaya naman napailing ako.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa Restaurant namin mismo. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa nila ako kaya lumabas na ako ng kotse at inayos ang aking suot. Hinintay ko si Yvo na kinausap pa si Yody. Dumeretso na ako sa loob nang makita kong ayos na.

Itutulak ko na sana ang glass door nang biglang sumulpot si Yvo at siya na ang gumawa.

Nauna siya kung nasaan ang pina-reserved. Napabuntong-hininga naman ako ng makita kong si Gab nga ang ka-meeting namin.

Iminuwetra ni Yvo ang upuan kaya naupo ako.

“Thanks.” umayos ako ng upo.

“Just call me if you need anything, Miss.” nagtaka akong tumingin sa kaniya.

“You'll not join us?”

Umiling siya. “Pangdalawang tao lang po ang upuan.”

“Edi lumipat tayo,” umakto akong tatayo pero pinigilan niya ako.

“Huwag na, Miss. Ayos lang po, nasa kabilang table lang po ako kung may kailangan kayo.”

“'Wag mo nang pilitin ang tao, Hailey.” sabat ni Gab kaya napatango at naupo na lang.

Ang totoo ay ayaw kong maiwang mag-isa kasama siya. Umalis si Yvo at pumunta sa inukopahang table. Gaya nga ng kaniyang sabi ay kalapit lang sa aming table.

“Let's start the meeting, can we?” tiningnan ko siya sa mata.

“Let's just wait for the food, can we?”

Napairap ako.

“Como'n, Hailey. Don't be rude.” napataas ang aking kilay sa narinig.

“Ako pa, ah.” bulong ko.

Narinig kong mahina siyang tumawa kaya lumaki ang butas ng aking ilong.

Maya-maya ay nagtatanong-tanong siya at sinasagot ko naman. Dumating ang unang course pero hindi ko iyon nagalaw.

Hindi ako mapakali at pasulyap-sulyap ako sa lamesa ni Yvo.

Gusto ko sanang tapusin na ngayong gabi ang meeting namin pero hindi nangyari dahil may emergency call siya kaya ang ending ay ire-reschedule ang meeting.

Hinatid muna namin si Yvo sa kanilang bahay bago ako ang ihatid ni Yody sa aking penthouse. Iniwan niya ang sasakyan ko sa basement at sumakay na siya sa kaniyang motor.

Sumakay ako ng lift habang kausap si Tristan sa kabilang linya. Kinukumusta niya lang ako kaya saglit lang ang usapan namin dahil sinaglitan niya lang ako habang naghahanda pa ang kaniyang ka-meeting.

Nagpalit ako ng aking damit pagkapasok sa aking kuwarto. Kinain ko ang aking niluto at pagkatapos ay nag-check ulit ako ng email sa aking laptop hanggang sa dalawin ako ng antok.

Itutuloy...

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon