Kabanata 31

125 8 0
                                    

Contract

Pawisan at hinahabol ko ang hininga ng makarating ako ng hospital at dumeretso sa  private ward. Sa hagdan ako dumaan dahil kung lift ang gagamitin ko baka abutin pa ako ng siyam-siyam bago makarating sa private ward.

Agad na hinanap ng mata ko ang kwarto kung saan ko iniwan si Hiro. Napalunok ako ng makitang nakasiwang ang pintuan. Hahawakan kona sana ang doorknob pero natigil ako ng may pumigil sa aking braso.

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng braso at kinunutan ito.

“Kuya, Anong nangyayari?”

Napansin kong magulo ang kanyang buhok at madilim ang aura ng mukha.

“Umatake yung hika niya at sabi ng doctor na baka maapektuhan ang tama niya at naging cause ng coronary heart disease.”

What?!

“Sakit sa puso?”

Tiimbagang na tumango siya.

Nanlaki ang mata ko at napalunok. Nawalan ako ng balanse at mabuti na lang ay nahawakan ako ni Kuya, naupo kami sa bakanteng bench.

Akala ko tuloy-tuloy na ang paggaling niya. Bakit kailangang umabot sa ganito?

He handed me a bottle of water as I started to catch my breath.

“Calm down. Everything will turn out fine.”

Sana nga.

Napayuko ako habang pinapakalma ang sarili. Napasadahan ko ng kamay ko ang aking buhok at natigil iyon sa gitna para diininan ang hibla ng mga buhok ko.

Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko pero mas kalmado na ito ngayon kaysa kanina.

Sabay kaming napatayo ni Kuya nang lumabas ang mga doctor na kasama si Hiro na nasa stretcher. Wala siyang malay at may kung anong nakakabit sa kanyang bibig.

Napatakip ako ng bibig.

Parang nasemento ang paa ko sa sahig sa pagkagulat dahil hindi ko ito maihakbang.

Huminto sila saglit sa aming harapan bago nagmamadaling sinakay sa lift.

Para akong nanghina ng makaalis sila. Napaupo ako sa bench at nasabunutan ang sarili.

Nabablanko ako at hindi malaman ang gagawin.

Si Kuya ang nakipag-usap sa doctor dahil ko ata kakayaning marinig ang kondisyon niya.

Nung makita ko nga lang itsura niya ay parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa. Mabuti rin at hindi umalis sa tabi ko si Kuya lalo na ngayong na kailangan ko siya.

Nahihiya na nga ako sa kanya dahil yung oras na para kay Denixe at sa trabaho niya ay napupunta pa sa amin.

“Hailey,” umangat ang tingin ko.

“Come here.” sinenyasan niya akong tumayo kaya sumunod ako.

Kinulong niya ako sa kanyang bisig at ginantihan ko naman ito.

Kung nasasaktan ako para kay Hiro alam kong nasasaktan din siya, hindi niya lang pinapahalata sa akin dahil alam niyang kailangan ko ng sandalan ngayon.

“Everything will be fine, okay?”

Tumango ako habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

May tumulo na likido sa aking pisngiat agad ko itong pinunasan. Suminghot-singhot ako at kumalas ng yakap sa kanya.

“Sinabi ng Doctor na kailangan nating maghanap ng heart donor. Ayokong sabihin sa'yo 'to pero alam kong kailangan mong malaman ang tungkol dito.”

Napatulala ako sa kanya.

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon