Kabanata 12

32 15 0
                                    

Ex

Tamad na binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at pinikit ang mata.

Kauuwi ko lang galing sa pinuntahan namin ni Tristan, sinundo niya ako galing sa trabaho.

Mabuti at hindi niya napansin ang pagiging tahimik ko dahil siya ang puro kwento sa aming dalawa habang kumakain. Hangga't maari ay ayaw ko muna sabihin sa kanya ang kalagayan ng kompanya ni Daddy. At ang ideya ni Mommy na huwag munang kumuha ng organizer. Kapag ino-open niya ang topic na tungkol sa kasal ay iniiba ko ang usapan. Pakiramdam ko nga nagtataksil na ako sa kaniya.

Kinapa ko ang cellphone sa aking tabi ng mag-ring ito. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan ang caller ID.

"Yes?"

"Hailey," napabangon ako ng mabosesan ang tumawag.

"G-Gab?"

"Nandito ako sa baba."

"W-Why?"

"I miss you." kumunot ang noo ko at tumayo.

"Umuwi kana, Gab."

"No."

"Bahala ka." sabi ko at pinatay ang linya.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at naupo sa dulo ng kama.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa mansyon siya?

Nairita ako ng tawag siya ng tawag kaya nilagay ko sa Block list ang number niya.

Ayokong malaman ni Tristan na may koneksyon pa kami ng dati kong kasintahan. At ayokong mag-away pa kami ng dahil doon.

Lumabas ako ng kuwarto para uminom ng tubig nang tumunog ang telepono na nasa tabi ng TV.

"Hello?"

"Ma'am, may nagwawala po dito na lalaki, hinahanap po kayo. Pwede po ba kayong bumaba dito?"

Huminga ako ng malalim.

"Sige, manong baba na po ako dyan." binaba ko ang telepono at pumasok ng kuwarto para kumuha ng cardigan dahil naka nightgown lang ako.

Agad na tumayo si Gab ng bumukas ang lift.

"Gab, you should go home."

"I don't have house here. Can I sleep here instead?"

"No."

Umatras ako ng subukan niya akong hawakan. Pero nagulat ako ng bigla siyang matumba mabuti na lang at naagapan siya ni manong na nakaagapay lang kung ano ang mangyari.

Sinubukan ko siyang kuhain kay manong pero nilayo siya. Umangat ang tingin ko sa kanya.

Umiling si manong at sinabi "Mahigpit na bilin po ni Sir.."

Tumango ako.

Nanigas ako sa upuan ng ipatong ni Gab ang ulo niya sa balikat ko. Iniwan kami ni manong para kumuha ng taxi na maghahatid kay Gab pauwi sa mansyon nila Daddy.

"Hailey," he growled.

"Hmm?"

"I love you."

"I'm sorry."

Inalis ko ang ulo niya at sinandal sa upuan.

Tiningnan ko ang mamulamula niyang pisngi dahil sa kalasingan. Nakalapat ang kanyang itim na itim na pilikmata dahil mahimbing na siyang natutulog ngayon.

"I don't regret everything." umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong may tumulong likido sa aking pisngi.

Tumikhim ako at tumayo dahil bumalik na si manong kasama ang driver.

"Kayo na po ang bahala sa kanya." ngiti kong sabi, tinanguan naman ako ng dalawa.

Pinagmasdan ko silang buhatin si Gab at maingat na isakay sa kotse. Nang makita kong maayos na sumakay na ako ng lift.

Hinubad ko ang cardigan na suot ko at pinagpatuloy ang pag-inom ng tubig pagkatapos ay pumasok sa aking kuwarto.

Tinawagan ko muna si Mommy para sabihing pauwi na si Gab at galing dito.

Ako ang nahihiya kay Mommy dahil mukhang magiging pabigat pa siya sa magulang ko lalo ngayong lasing siya

Hindi naman sa ayaw kong nasa mansyon siya. Pero kasi...

Puntahan ko kaya?

Tiningnan ko ang relong nasa bisig ko. Hating gabi na.

Hindi pa naman ako inaantok at hindi naman siguro ako tatagal don.

Nagpalit ako ng maayos na damit nang mapagdesisyonan kong tumuloy. Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at bumaba sa basement.

Tahimik at wala masyadong sasakyang dumadaan kaya mabilis akong nakarating sa mansyon. Pinagbuksan ako ni manong at binati, binati ko rin siya pabalik.

"Mabuti, miss at umuwi kayo."

"Bakit ho?" tanong ko at bumaba ng sasakyan.

"Nagwawala po kasi si Sir Gab, hindi po kayang pakalmahin ni Madam hinahanap po kasi kayo."

"Sige, manong. Ako na po ang bahala, salamat."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dumeretso na ako ng entrada. Kumunot ang noo ko ng makitang tahimik naman.

"Miss, andyan pala kayo. Nasa kuwarto po si Sir Gab."

"Salamat." umakyat ako ng hagdan at lumiko para sa kuwarto ni Gab.

Tahimik sa baba pero dito ay maingay dahil sa sigaw ni Gab. Hindi ko maintindihan ang pinaglalaban niya kasi kulob ang kuwartong tinutuluyan niya.

Binuksan ko ang pintuan at doon ko narinig ang pinagsisigaw niya.

Napailing ako ng puro pangalan ko ang aking naririnig.

Ganoon na ba siya kabaliw sa akin? Hindi ba siya yung nagloko? Bakit gusto niya ako bumalik kung kailan hindi na puwede at hindi ko na gugustuhin.

"Gabriel." may diing sabi ko.

Natahimik siya at tumingin sa akin.

"Hailey, sabi na at mahal mo pa rin ako, e." lumapit siya sa akin at yinakap ako.

Hinayaan ko siya sa gusto niya dahil alam ko namang hindi niya maaalala ito bukas.

"Hailey, mabuti at dumating ka. Sinong kasama mo?"

"Ako lang po."

"Alam ba ito ni Tristan?"

Umiling ako.

Inalalayan ko si Gab na mahiga sa kama.

Nilingon ko si Mommy. "Ako na ang bahala dito, Ma. Matulog na po kayo."

"Sigurado ka, 'nak?"

I nodded. "Opo."

Nginitian niya ako, ngumiti ako pabalik.

Mahahalata mong nagpupuyat si Mommy dahil maitim ang ilalim ng mata niya ngayon kumpara dati.

Hinatid ko sa pintuan si Mommy.

Hindi niya pinasara ang pintuan para kung ano man daw ang mangyari ay madaling makakpasok, sang-ayon naman ako doon.

Pinunasan ko muna ang mukha niya ng maligamgam na bimpo at pinulbuhan nang sagayon ay mahimasmasan siya. Pinalitan ko rin siya ng saplot sa katawan at tinanggal ang sapatos.

Inabot din ako ng ilang oras dahil inayos ko pa ang mga ginamit ko dahil ayoko nang gisingin pa ang kasama sa bahay dahil kaya ko naman itong gawin.

Alas tres na ng makauwi ako dahil sinigurado ko munang maayos.

Bagsak ako ng makahiga sa kama at mabilis na nakatulog, tanghali na ako ng magising mabuti na lang at wala akong pasok.

Itutuloy...

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon