Delay
Medyo natagalan kami papunta sa kanila dahil rush hour.
Itinabi ni Tristan ang sasakyan niya sa kulay abo na BMW. At baba na sana ako ng bigla niya akong hatakin.
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
Lumaki ang aking mata ng bigla niya akong sunggaban ng halik.
"Later you'll be busy so.." he shrugged and smirked.
Inilingan ko siya at tinawanan pagkatapos ay tinuloy na ang pagbaba.
Mabuti at walang nakapansin sa pagpasok namin dahil busy lahat ng tao lalo na ang mommy ni Tristan.
Pero mali pala ako dahil
"Hailey!" napangiwi ako nang isigaw ni Tita ang aking pangalan.
Ang iba tuloy na panauhin ay nakatingin sa akin.
Naka-upo na kami ni Tristan sa tapat ng pabilog na lamesa kasama ang iba niyang mga kamag-anak.
Tumayo ako para salubungin si Tita.
"Happy Birthday, Tita." bati ko sabay abot ang paper bag.
"Omg. Thank you."
She hug me and kiss my cheeks.
"Akala ko hindi na kayo makakarating, e." maarte ang sambit ni Tita ng kumalas siya ng yakap.
"We'll talk later, okay? But now make yourself comfortable."
Nakangiti akong tumango atsaka naupo. Marami ang naghahanap sa kanya kaya kailangan na niyang umalis.
Napayuko ako sa aking hita nang ipatong doon ni Tristan ang kaniyang kamay.
Nakalabas ang isa kong hita gawa ng slit sa dress.
"What do you want to eat?" napa-angat ang tingin ko sa kanya pagkatapos ay umiling.
"I'm full." sagot ko.
"Are you sure?"
"Yeah. Ikaw? Kumain kana."
Tumango siya at sakto naman ang dating ng waiter. Inumin lang ang hiningi ko dahil hindi naman ako nagugutom.
Habang kumakain si Tristan ay nagpaalam akong pupunta ng cr.
Tinanong ko sa waiter kung saan ang cr at tinuro niya ang hallway. Nagpasalamat ako at dumeretso sa tinuro niya.
Hindi ko alam na sa resort pala nila gaganapin.
Napabuga ako ng hininga ng matapat sa salamin.
Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok pagkatapos ay inilabas ang lipstick at naglagay ng kaonti. Natigil ako sa ginagawa ng bumukas ang isang pintuan at lumabas ang isang singkit na babae.
Ngumiti siya kaya ganon din ang ginawa ko.
"Your zipper is open." sabi ko ng mapansing bukas ito habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
Bumuka ang bibig niya at yumuko para isara ang bukas na zipper.
"Thank you." aniya at tumapat din sa isang salamin.
Pinagpatuloy ko ang paglagay pagkatapos ay binalik sa bag.
"By the way, what's your name?" I asked curiously because I think I've been seen her.
"Eunixe, I am Tristan's—" naputol ang kanyang sasabihin nang maingay na sumarado ang pinto ng isang cubicle.
"Oh, Den. You're done?" si Eunice.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]
Romance"I see myself like a leaf, falling when the autumn season comes. When it started to turn orange and dried, no one will notice the beauty in it. It was like a mess... yet beautiful."