Kabanata 40

30 9 1
                                    

Greg

Nagising ang diwa ko dahil sa marahang tapik sa aking pisngi.

Pagmulat ko ng aking mata, I saw Harvey's worried face.

“Hailey,”

Inalalayan niya akong maupo.

Pakiramdam ko'y mabigat ang aking ulo at ang mata ko ay nag-iinit, hindi ko alam ang dahilan.

“Are you okay? Namumutla ka.” he said while stroking my hair.

“Kuya, si Greg? Bumalik na ba siya?”

“Not yet. Sinabi ko na ako muna ang magbabantay sa'yo habang nagpapalamig siya.”

“How about Tristan?” tiningala ko siya.

“You can't see him.” mariing sambit niya at galit ang kaniyang mga mata.

“Why?” tanong ko.

“Hindi naman sumakit ang ulo ko n'ong makita ko siya. I think I'm okay.”

“But, you fainted. You fainted while crying.”

Napabuntong-hininga ako at lumaylay ang aking balikat.

“He said, I'm her fiancee. Where's my ring, Kuya?”

“Don't ask.” asik niya at lumapit sa table ko kung nasaan ang mga papeles na pinipirmahan ko.

“Lumabas ka?” tanong niya habang nakatingin sa mga ito.

“Y-Yeah.”

Dumapo ang tingin niya sa akin at masama akong tiningnan.

“I just want to make sure the shop is in order.” paliwanag ko.

“Anong nangyari sa braso mo? Media?”

Tumango ako.

“I told you. Don't go. Makulit ka talagang babae ka. Tingnan mo ngayon ang nangyari, nasugatan ka.” lumapit siya sa akin at sinipat ang braso ko.

“Hindi naman malaki. At saka, bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, ha?”

“Because, you're stubborn.”

Umirap ako.

“Kuya, when will I be able to go out without the bodyguard following me?”

“Once the media is no longer interested in your case and the company.”

“Kailan? I have so many things to do, Kuya. I can't just stay here.”

“You're not well yet, Hailey. Don't be annoying. Baka nakakalimutan mong nabaril ka at kagagaling mo lang sa coma?”

“You're right.” suko ko dahil ayoko ng pakipagtalo pa.

“Pupunta dito si Mom maya-maya para tingnan ang condition mo. Magdedesisyon siya kung ibabalik ka sa hospital o hindi.”

“I don't want to go back there.” tutol ko.

“Kay Mommy mo sabihin 'yan, huwag sa akin.”

“Kuya, You know I don't like the smell and environment of the hospital. I-I just think back to what happened to him when I was there.”

Matagal niya akong tinitigan bago nagpakawala ng hangin.

“Okay, Fine. I'll talk to her.” aniya at tiningnan ako ng masama bago lumabas. “I'll just make food.” at sinarado niya ang pintuan.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa headboard.

Naisip ko ang nangyari kanina.

Hindi ko alam pero parang kinukurot ang puso para sa nararamdam nilang dalawa.

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon