Kabanata 35

32 9 0
                                    

News

Nagising ako kinabukasan mula sa sakit ng aking ulo at madilim na ang ulap.

Mabuti na lang hindi umalis si Kuya sa tabi ko at natawag niya agad ang doctor na agad namang may pinainom sa akin para mabawasan ang sakit sa ulo ko.

Nagpahinga ako sa saglit at maya-maya ay dumating si Mommy.

Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan at nang makabawi sa gulat ay agad-agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Sinaway naman siya ni Kuya na huwag ako masyadong galawin.

Sunod-sunod ang naging tanong niya kung maayos ang pakiramdam ko na sinasagot ko naman.

Lumabas siya saglit kasama ang doctor dahil mag-uusap daw sila. Nanatili namang nasa loob si kuya.

Lumingon ako sa kanya. “Pwede bang sa bahay ko na lang ako magpagaling?”

Umiling agad siya. “No.”

“Please? I don't want to stay here longer, Kuya. You talk to the doctor.”

Pumikit siya at bumuga ng hangin kasabay ng kanyang pagdilat. “Alright.  Later, I'll talk to him.”

Malawak akong ngumiti. “Thank you!”

Ngumiti lang siya sa akin at tumayo tsaka lumapit.

Dinampian niya ng halik ang noo kong merong benda.

“Magpagaling ka, okay?”

Tumango ako ng sunod-sunod. “Noted.”

Natuon ang atensyon namin kay Mommy nang pumasok. Tapos na siguro sila mag-usap ng doctor.

Tumayo siya sa gilid ko at hinaplos ang aking buhok.

“They will remove the bandage on your head tomorrow.”

Tumango lang ako.

“Excuse me. I'll just talk to someone.” paalam ni Kuya atsaka lumabas ng kwarto.

Naiwan kaming dalawa ni Mommy sa loob.

Umalis siya sa tabi ko at naupo sa sofa.

“Are you sure you're okay?”

“Yes, but sometimes the kirot attacks my head. Did the doctor has said about that?” I asked while touching my temple.

“Ah, that... Your doctor will talk to you later about that.” ngumiti siya kaya tumango ako at dahan-dahang hiniga ang aking katawan.

Tahimik akong nakatitig sa kisame at nag-iisip. Tahimik na rin ang paligid at nang lingunin ko si Mommy, mahimbing na natutulog habang nakabaluktot ang kanyang katawan.

Napangisi ako.

Despite her elegance, I don’t think she would make herself content in the little chair.

Napabalik ako sa pag-iisip nang maalala ang mga nasayang na panahon sa loob ng ilang buwan.

Then I remember I haven't wash my body that long?!

Oh, my gosh.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay Mommy.

“Mom...” marahan kong tinapik ang braso niya.

“Hmm?”

“Can I wash my body tonight?”

“What?”

“Am I allowed to shower? 'Coz you know, I remember, I haven't wash my body since I got hospital. Can I?”

“No, Hailey. You still have bandage. May be tomorrow, you can shower na.” sagot niya kahit na nakapikit.

Napairap ako at masama ang loob na bumalik sa higaan.

I smell like banig na. Argh.

Maya-maya rin ay bumalik si Kuya at sinabing pumayag ang Doctor ko. Bukas daw tatanggalin ang bandage sa ulo ko at pagkatapos non ay pwede nang sa bahay ako magpagaling. Pero kukuha pa rin si Kuya ng Nurse na magbabantay sa akin kung sakaling umatake ang sakit ng ulo ko.

Kinausap rin ako ng Doctor tungkol sa  kalagayan ko at kung bakit sumasakit ang aking ulo. He said it is caused by the impact of the gunshot on me and because of this I have lost memories in my brain but he said that I don't have to worry because it will gradually come back.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano naman kaya ang mga nakalimutan ko? Sana lang ay hindi ito masyadong importante.

Tumigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pintig sa aking sentido.

Sinabi ng Doctor na iwasan ko ang masyadong pagpilit ng mga alaala dahil mas lalala daw ang sakit na mararamdaman ko kung pipilitin ko ito.

Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan ang oras. Paggising ko ay maliwanag na ang paligid.

Lumingon ako sa paligid at nakita kong may nakalatag nang damit para sa akin.

Naalala ko na ngayon pala ang discharge ko.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa si Mommy na may kasamang Doctor at Nurse.

“How's your feeling?” tanong ni Mom.

“I'm good.” naglagay ako ng ngiti sa labi at bumaling ako sa mga kasama niya. “Good morning, Doc and Nurse.”

“Ahm.. sorry but it's Good Afternoon already.”

“Oh, I see. I haven't look on clock. My bad.” simple akong umirap.

Pagak na tumawa ang Doctor pagkatapos ay pinaliwanag na tatanggalin na ang bandage sa ulo ko.

Hindi naman inabot ng sampong minuto ang pagtanggal nito. Mas natagalan ang Doctor sa mga bilin niya.

Pag-uwi ko sa penthouse, kahit na gustong gusto kong maligo ay hindi pa pwede dahil 24 hours pa ang hihintayin ko bago pa ito pwedeng mabasa.

Kaya ang ginawa ko ay half bath at saka ko lang nalaman na meroon din pala akong tama sa balikat.

Dahan-dahan akong naupo sa dulo ng bed at napabuntong-hininga.

Nilibot ko ang tingin ko dito sa aking kwarto. Wala naman nagbago maliban na lamang sa cabinet ko na medyo nagulo.

Tumayo ako at bumaba para pumunta  ng kitchen dahil nakaramdam ako ng gutom.

Nagtingin ako sa ref kung ano ang pwedeng makain. At dahil hindi pa pwede sa akin ang mga hindi masustansiya, naisipan ko na lang gumawa ng salad. Pagkatapos ay sa sala ko ito kinain.

Nagbukas ako ng TV at saktong balita ang nadatnan ko.

Nagulat pa ako nang makita ko ang aking mukha dito.

“Next news, Empire Hotel Restaurant's President, Hailey Anderson, miraculously gaine consciouness this morning.”

Natawa ako. I've been awake since last week bitch. Napairap ako.

Hinintay kong matapos ang commercial para alamin kung ano pa ang kanyang sunod na sasabihin.

“Empire Hotel Restaurant's President, Hailey Anderson, gained consciousness this morning at 9:00 am. It's been a year and months since she fell into a critical state after the shooting incident at Dohlar Building.”

Then some of my picture flashing on screen.

“The medical staff stated that her life is not at risk, but she is still recovering so, she may not return to her position as President yet.”

Where did they gotten that information? 

I was about to call Kuya when I heard the telephone ring.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Itutuloy...

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon