Kabanata 17

39 14 0
                                    

Cravings

Matapos kong maligo ay dumeretso ako ng kusina dahil mukhang hindi pa rin ata tapos si Tristan sa pagluto.

Napangiti ako at napasandal sa hamba ng pintuan.

I love watching his broad shoulder. Naglakad ako papalapit sa kanya at tumabi ng tayo.

Nakagat ko ang labi ng may maisip.

"Matagal pa ba 'yan?"

"Just a second." sagot niya. Pinigilan ko ang matawa dahil seryoso siya sa kaniyang ginawa.

"Gusto ko ng kainin..." tumingin ako sa labi pababa sa kaniyang katawan. "...yung luto mo." pagkatapos ay nginitian ko siya.

"Don't tease me, Babe." he seriously said and then he gulped.

"Sit there, it will be cooked." he commanded.

Natawa ako at sumunod.

Tinapik-tapik ko ng aking daliri ang lamesa habang naghihintay.

"Hows your appointment yesterday?"

Natigil ako sa pagtuktok dahil sa tanong niya.

"Okay naman na sila. Nasa isang shelter sila ngayon. Tapos yung tatay naman ni Bea, nilipat namin dito sa manila para matutukan."

"Who's with you?"

"Si G-Greg tsaka Reese."

Nilapag niya ang luto niyang chicken curry at naupo.

Nilagyan niya ng ulam at kanin ang aking plato pagkatapos ay sa kanya naman.

"Tinawagan ko si Gray para mahiram yung aircraft niya. Nasa States siya pero mabuti at sinaglitan ni Giles ihatid dito. Tapos si Reese ang pinagdala ko kasi hindi naman ako marunong."

"Um-hmm." tumango siya habang ngumunguya kaya nagpatuloy ako.

"Tapos, alam mo ba meroon akong tinulungan na babae na manganak." kinikilig na kuwento ko.

Ngumiti si Tristan.

"Her baby is boy. Oh, my. I remember his chubby cheeks."

Napatigil ako sa pagkuwento nang masulyapan kong naglaho ang ngiti niya.

"A-Ah.. Ahm.. Ikaw? Anong ginawa mo habang hindi tayo nagkita?" tanong ko para maiba ang usapan.

Nagkuwento siya at nakinig ako sa kanya habang kumakain hanggang sa matapos.

Maya-maya ay nagpaalam siya sa akin na uuwi muna siya para kumuha ng damit dahil dito muna siya matutulog.

Pina-update ko na din ang aking visiting list.

Naalala ko pa yung tanong ng babae sa 'kin.

"Kaano-ano mo po si Mr. Martinez, Miss?"

Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo dahil sinabi niya dito na 'wife' niya ako kaya kailangan

"He's my husband." ngumiti ako.

Nakuwento din niya sa akin kung bakit siya pumunta dito dahil nakita niya daw ako sa balita. May mga pinakita siya sa aking litrato. It was stolen. May mga kuhang may hawak akong bata o kaya may kausap akong mga tauhan ng baranggay.

Nasabi niya din na meroon daw gustong mag-interview sa 'kin. Hindi ako pumayag hindi dahil ayaw ko kundi hectic ang schedule ko ngayon.

Buntong-hininga akong naupo sa couch at binuksan ang telebisyon para maibsan ang aking kaboringan.

Isang oras na ang nakalipas simula nung umalis si Tristan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakabalik.

Sinulyapan ko ang wall clock. It's 11:31 PM.

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon