Kabanata 37

49 9 1
                                    

Companion

“Kamusta ho?” bungad ko kay Manang at binigyan siya ng yakap.

Napansin kong dumarami na ang puti niyang buhok. Nung huling kita namin ay puros itim ang hibla nito.

“Maayos naman, hija. Ikaw ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” aniya at sinuri pa ang buong katawan ko. “Hay naku. Kay laki ng iyong pinayat, Hailey. Sigurado kabang ayos ka lang?”

Tawa-tawa akong tumango. “Opo, Manang. Nagpapagaling pa po ako para makabalik na sa office.”

“O siya. Lilinisin ko muna yung tutuluyan ni Greg.” marahan niyang tinapik ang likod ko.

“Sige ho. Nasa cabinet po na katabi ng pintuan yung susi.”

Tumango siya at naglakad na paakyat. Habang ako ay umakyat rin maya-maya para makapagpahinga.

Nagbilin ako kay Manang bago pumasok sa kwarto ko na pagkatapos niya sa paglilinis ay kumain na lang siya sa baba.

Pagkahiga ko sa kama, ilang minuto muna akong nakatitig sa kisame bago dalawin ng antok.

Nagising ako sa ingay ng telepono na nasa side table.

Kusot-kusot ang mata na dinampot ko ito atsaka tumikhim bago sumagot sa kabilang linya.

“Yes?”

“Miss Hailey, pasensiya na po sa istorbo pero inimbitahan niyo po ba si Mr. Greg Villaroel sa penthouse niyo?”

“Yep. Let him in, please.”

“Noted, Miss. Sir, you can go up now.” rinig ko pang sabi bago ko patayin ang kabilang linya at bumangon.

Hindi ko namalayan ang oras at gabi na ang ulap.

Napapikit ako nang maalala na hindi pa pala ako kumakain at nakakainom ng medicine.

Paniguradong papagalitan ako ni Greg kapag nalaman niya lalo na't paakyat na siya.

Bumuntong-hininga ako at pumasok sa cr para maligo pagkatapos ay nagsuot lang ako ng night gown at bumaba.

Doon ko naabutan si Greg na komportableng naka upo.

“Hi.” bati ko.

Nagulat pa siya sa biglaang upo ko.

“How are you?” tanong niya. At katulad ng ginawa ni Manang, sinuri niya rin ang katawa ko. “Kumain ka na ba? Did you take your medicine?”

“I'm good.” sagot ko sa unang tanong niya. “No and No.” ngumiti ako.

“Hailey!” he pouted.

“What?” kunwari'y walang alam na tanong ko.

“Bakit hindi ka pa kumakain? Anong oras na oh.” sinulpayan niya ang kanyang relos.

“Gusto mo kain tayo sa labas?” aya ko.

Umiling siya. “Nope. You can't be exposed after what happened.”

“May mga guard naman sa baba.” rason ko.

“Nope. I won't allow you to go. I'm saying this as your Doctor.” ngumiti siya dahil alam niyang wala na akong maidadahilan.

Lumaylay naman ang balikat ko.

“Gusto mo ipagluto na lang kita? Or I will just order at the fast food restaurant you want, para you won't wait too long. How about it, hmm?”

Napanguso ako habang nag-iisip.

Tama siya. Kung magluluto pa siya, matagal akong maghihintay.

“Order.” desisyon ko at sinabi ang gusto kong kainin.

“Ok. Let's wait for the rider.”

“Malinis na pala yung kwarto na tutuluyan mo. You can put your stuff there.”

“Ok. Thank you. Call me when the rider calls, I'll come down to take the order. I will leave my phone.” aniya at nilapag sa lamesita na ang kanyang phone.

“Sure. Kapag naka-lock yung pinto, nasa cabinet yung susi.”

“Okay. Thank you.” tumayo siya at binuhat ang dalang bag.

Tumango ako at sumandal habang naghihintay.

Nahimas ko ang aking tiyan nang kumalam ito.

Mabilis akong bumangon nang mag-ring ang phone ni Greg dahil akala ko ay rider na ito pero mali ako.

"Ms. Manager." ang naka-flash sa screen.

Sasagutin ko sana ito pero bigla namang namatay nang hawakan ko kaya binaba ko uli at naghintay sa tawag ng rider na maya-maya ay tumawag rin.

“Sir, iiwan ko na lang po dito sa front desk yung order niyo. Paki-claim na lang po. Bawal daw po kasi umakyat sa floor niyo.”

“Hello po. Paid na po ba yung order?”

“Ay si Maam pala 'to. Opo, Maam. Nabayadan na po ng boyfriend niyo via online.”

Natawa ako. “No, he's not my boyfriend.”

“Ay ganon po ba. Sige po. Salamat po, maam. Sana magkatuluyan po kayo.”

“Thank you rin po.” tinawanan ko na lang ang huli niyang sabi.

Hindi ko na inabalang tawagin si Greg. Tumayo ako at nagsuot ng cap. Pagkatapos ay sumakay ng lift.

Pinindot ko ang ground floor at nagulat ako nang pagkabukas ng lift ay nagsitipon ang mga body guard sa tapat ko.

“Miss!” sabay-sabay na sigaw nila.

“What's wrong?” salubong ang kilay na tanong ko. “Kukuhain ko lang yung order.” nagulat ako nang biglang itong iabot sa akin ng isa sa mga hindi naka uniporme.

“Next time huwag kang bababa ng walang pasabi.” may diin ang pagkakasabi nito at baliko pa ang tagalog.

Sinubukan ko siyang tingnan pero naglakad na ito palayo.

Pinagmasdan ko ang likod niya at napapikit ako nang biglang kumirot ang ulo ko.

Nawalan ako ng balanse, mabuti na lang at nahawakan ako ng isa sa mga body guard na nasa harap ko.

“Ayos ka lang, Miss?”

Pinakalma ko ang sarili pagkatapos ay tumango.

“Yeah, thank you. Akyat na ako.”

Nagsilabasan ang mga body guard na nasa loob ng lift.

Bumalik ako ng penthouse na dala ang order ko.

Pagkapasok ko ay wala pa rin si Greg sa salas. Siguro ay inayos niya pa ang mga gamit niya.

Nilapag ko sa lamesa ang paper bag at naupo.

Pumipintig pa rin ang sentido ko pero hindi na ganon kasakit.

Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Greg.

“Sino ang nagdala dito?”

“Hinatid ni Yody.” pagsisinungaling ko.

Natulala ako sa paper bag at naalala ko yung lalaki kanina.

Pilit ko siyang inaalala dahil pamilyar ang likod niya. Pero tinigil ko rin dahil baka lumala ang condition ko.

“Hailey,”

“Huh?”

“What are you thinking? Kanina pa nakatitig sa paper bag. Nagugutom ka na ba? You can eat. Don't worry about me. I'm full.” aniya at naupo sa tabi ko.

“Okay.”

sambit ko at nilapit ko ang paper bag saka nilabas ang mga pagkain.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalaki kanina habang kumakain ako. Kahit anong gawin kong huwag siyang isipin, kusa itong bumabalik.

Itutuloy...

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon