Kabanata 20

44 16 1
                                    

Moon

"Josh!" napatayo ako't niyakap siya.

"I thought you're in New York?" tanong ko nang kumalas ng yakap.

"Hindi makakarating si Mommy. Kaya ako muna ang representative niya." may pa-flipped pa siya ng kanyang buhok.

Akala mo naman mahaba.

Naupo kami habang nag-uusap. At nabanggit niyang kararating lang pala niya at saktong nakita niya ako. Sinabi kong kaaalis lang rin ni Tristan.

Matagal din ang kuwentuhan namin at kung hindi pa siya tawagin ng kanyang boyfriend ay hindi siya aalis.

"Lalandi muna ako, ah." sabi niya at maarteng kinaway ang mga daliri, natatawang akong tumango.

Kukuhain ko sana ang aking cellphone ng maalala kung kinuha pala ni Tristan.

Paano ko siya ngayon matatawagan?

Hindi ko rin naman makita si Denixe at sigurado akong busy rin 'yon.

Binuksan ko ang aking pouch at tiningnan kung dala ko rin ba ang isa kong cellphone. Para iyon sa emergency at sa kamamadali ko kanina ay hindi kona nadala.

"Hailey," mula sa pagkakayuko ay umangat ang aking ulo at tiningnan ang may-ari ng boses.

"G-Greg. You're here. Where's Reese?”

"She can't come." kibit-balikat na aniya.

“May I join your table?"

"Yeah, sure. I don't mind."

Hindi ko pa alam kung saan ko siya pauupuin. Pero sa huli siya rin ang nagdesisyon kung saan siya mauupo at doon sa upuan kanina ni Tristan.

"You're the only one I know here. Mom just ordered me to go here."

"Hindi kaba kakain?" tanong ko maya-maya.

Umiling siya. "No. But do you know where the celebrant?"

"Ah no, but, you can find her over there.” tinuro ko ang bandang harapan.

"Thank you."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Maya-maya ay tumayo rin ako dahil nagsimula ng magbalikan ang mga kasama namin sa table.

"Ah, Sir. Where's the coastline here?" tanong ko sa malaking katawan na lalaki.

Tinuro niya ang kaliwang daan.

"Thank you." pasalamat ko at pinuntahan ang tinurong daan.

Sakto at may bench malapit sa tabing dagat.

Dito ko na lang aabalahin ang sarili habang naghihintay kay Tristan.

Napayakap ako sa sarili ng biglang umihip ang malamig at sariwang hangin. Napapikit-pikit ako at humikab.

Pagkatapos ay napaangat ang aking tingin sa maliwanag at bilog na bilog na buwan.

Tinaas ko ang kanang kamay at pinikit ang isang mata. At kunwari ay nahahawakan ko ang buwan.

He reminds me of my son.

Lagi niyang hinahanap ang buwan kapag kumagat ang dilim. At kapag hindi niya nakikita ay nalulungkot siya.

Baby, look. There's a moon. I hope you're here. I miss you so much.

Pinunasan ko ang mainit na likidong tumulo sa aking pisngi pagkatapos ay napatingin sa aninong nakatayo na nasa harap ng halaman.

"T-Tristan," napatayo ako at pinunasan ang mukha.

"Why are you crying?" seryosong tanong niya.

Umiling ako. "Nothing. May naalala lang ako."

ngumiti ako sa kanya nang titigan niya ako ng matagal kaya sinukbit ko ang aking kamay sa kaniyang baraso.

"Let's go home." wika niya ng makapasok na ulit kami sa loob.

"Teka, magpapaalam muna ako kay Tita."

Tatalikuran ko na sana siya nang hatakin niya ako pabalik.

"I already did. Let's go." kumunot ang noo ko ng madilim ang kanyang mukha kaya hinila ko siya pabalik.

Biglang umamo ang mukha niya nang matapat sa akin.

"Sandali, may nangyari ba?"

"Nothing. Let's go." nagpahatak ako sa kanya hanggang sa parking.

"Get in."

Sinunod ko siya at sinuot ang seatbelt.

Habang nagmamaneho siya ay tinitingnan ko siya. Kapag deretso ang kanyang tingin sa daan ay parang may kaaway siya pero kapag nasa akin ang paningin niya ay umaamo.

Hindi ako naniniwalang walang nangyari.

"Sa condo ka muna matulog."

Pumayag ako dahil hating-gabi na rin para bumyahe ng manila.

"Meroon ka bang damit dito?" tanong ko ng makarating kami sa kanyang condo.

"In my room." sagot niya habang naghuhubad ng damit.

Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto niya at bumungad agad sa akin ang panlalaking amoy.

Dumeretso ako sa kanyang closet at naghanap ako ng masusuot, napili ko ang itim niyang damit at boxer.

Sinaglitan ko ang pagligo dahil hindi ako nakakatulog ng hindi naliligo at malagkit rin ang aking balat. Ginamit ko ang mga gamit niya sa pangligo dahil wala namang iba doon.

Lumabas ako ng cr nang nagpupunas ng buhok at nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama na nakayuko.

"I'm done." anunsyo ko.

Umangat ang tingin niya sa akin at pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan pagkatapos ay walang salita-salita na pumasok ng cr.

"Problema n'on?" bulong ko.

Naupo ako sa kama at hiniram ko muna ang kanyang blower para patuyuin ang aking buhok.

Habang ginagawa iyon ay iniisip ko kung ngayon ko na ba sasabihin yung tungkol sa kasal. Dahil ganun din naman kung patatagalin ko pa.

Bumuntong-hininga ako at napailing.

Kailangan ko ng sabihin ngayon tutal kaming dalawa lang naman.

Binalik ko ang blower pagkatapos kong gamitin at umayos ng upo. Hinihintay ko na lang si Tristan na matapos at napa-angat ang aking ulo ng bumukas ang pintuan ng cr at lumabas si Tristan, nakasampay pa ang tuwalya sa kanyang balikat.

Wala siyang suot na pang-taas at boxer lang sa ibaba na may nakabukol pa, napa-iwas tuloy ako ng tingin.

Sinampay niya ang tuwalyang ginamit niya pagkatapos ay naupo rin sa kama.

"I have something to tell you." sabay na sabi namin kaya naman napatingin kami sa isa't-isa.

"You go first." aniya.

“Ikaw na.”

“Go ahead.”

"Ah," tumikhim ako. "Sabi kasi ni Mommy na hangga't maari ay huwag na muna tayo kumuha ng organizer para sa kasal. "

Tumahimik ang paligid matapos kong magsalita.

Naramdaman kong nakatitig siya sa akin kaya lumingon ako.

"Why?" he asked in a husky voice.

Itutuloy...

BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon