Proposal
"May posibilidad na mas lalong dayuhin ang EHR kung aaprubahan natin ang proposal nila." sabi ni Tito.
Naupo ako sa swivel chair at naupo naman siya sa harap ko. Sumandal ako at ipinatong ang braso sa armrest.
"Posible rin na sa una lang 'yon."
Hindi ko gusto ang ideyang nila.
Sandaling tahimik si Tito bago nagsalita.
"Oo. May posibilidad na ganiyan ang mangyari. But... we need to look at the bright side."
Katatapos lang ng meeting proposal at hindi pa ako makapagdesisyon if I will approve their proposal.
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kaniya.
"I'll think about it." sabi ko maya-maya.
Tumango siya at tumayo.
"Sana ay mapagisipan mo ng mabuti. Don't worry. Kahit anong maging desisyon mo ay maiintindihan namin." nangiti ako sa sinabi niya.
Tumayo ako at lumapit at niyakap siya.
"Don't stress yourself, okay?" he muttered while stroking my back.
I chuckled.
"I'll try."
"Huwag kang mag-isip masyado, makakalbo ka niyan."
"Tito!" I hissed at him.
"Biro lang." he said while laughing.
"I'll go ahead then." kumalas ako sa yakap at tumango.
"Take care."
"I will." sinundan ko siya hanggang sumarado ang pintuan ng opisina.
Bumuntong-hininga ako at bumalik sa upuan.
As much as I wanted to approve his proposal, kailangan kong isipin ang magiging consequence ng aking desisyon. Malaking proyekto ito. Paano kung mapunta sa wala? Paano kung sa una lang ito dumugin ng mga tao? Anong mangyayari?
Gusto ko munang konsultahin si papa kung ano ang opinyon niya paniguradong alam na niya ang tungkol sa proyektong ito.
Tumayo na ako at naghanda sa family dinner mamaya. Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit.
"Bea. Mauna na ako." sabi ko sa kaniya pagkalabas ng opisina. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.
"Ang aga niyo ata ngayon, ma'am?"
"Ah, yeah. We have family dinner."
"Ganun po ba.."
"You want to come?"
Lumaki ang mata niya at umiling. "Naku. Hindi na, miss."
"But you haven't eat, right?"
Tumango siya.
"Sa bahay na lang po ako kakain, ma'am. Nakakahiya po."
"Are you sure?"
"Opo. Ingat kayo, miss." tinungan ko siya at sumakay na ng elevator pababa sa lobby.
May mga nakakasalubong akong cleaning personnel.
Nangunot ang aking noo nang makitang may sumisigaw sa front desk.
Binilisan ko ang lakad papunta sa direksyon ng front desk. May mga naalarma ng makita ako.
"What's happening here?" I asked.
"Miss," may bahid na gulat na sambit ni Thess.
Natigil ang lalaking sumisigaw at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, ganon din ang ginawa ko sa kaniya pagkatapos ay sinulyapan ko si Thess na namumutla.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL MESS (AS #1) Completed [REVISING]
Romance"I see myself like a leaf, falling when the autumn season comes. When it started to turn orange and dried, no one will notice the beauty in it. It was like a mess... yet beautiful."