Chapter 16

432 29 18
                                    

Chapter 16

_____

I was nudged then tossed then turned. Hindi ko sure, pero parang may kumurot din sa akin. Natauhan lang ako nang mabasa ang mukha ko.

It felt like I rose from underwater.

"Hey." Miggy whispered. Napakurap ako, tumingin sa paligid. Ramdam ko ang pagtulo ng tubig mula mukha ko. Huminto ang tingin ko sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na basa ang mukha, magulo ang buhok at mukhang disoriented.

Mukhang kawawa.

Siguro nga. Kasi... kasi hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Awang awa ako bigla sa sarili ko.

Nasa loob kami ng restroom. Mukhang kami lang ang nandito, which I was thankful for. I don't think I was really for other people to see how pathetic I felt right now.

"Huh?" I asked dumbly. Sobrang feeling ko disoriented ako.

Kumunot ang noo ni Miggy.

"Tapos na sila kumain, uuwi na tayo." She said. Mabilis na tumango ako.

"Okay." Huminga ako nang malalim. Shit. I really just spaced out on them the rest of the dinner like a fool. Humarap ako sa salamin bago ko binuksan ang faucet. "Did anyone notice?"

Sumandal si Miggy sa sink, her arms crossed on her chest. Nagaalala pa rin ang tingin niya sa akin and I wasn't sure if I wanted that right now or what. I was being too sensitive na feeling ko kapag tinanong niya ako kung okay lang ako, sasabog ako sa galit, sakit at kung ano ano pang negative feelings.

Tahimik na umiling si Miggy. Nag iwas ako ng tingin.

I sighed. I splashed more water on my face. Naramdaman ko namang kumilos si Miggy at kumuha ng tissue na mabilis niyang iniabot sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Thanks."

Walang reaksyon si Miggy pero alam kong nakikiramdam siya.

"Si Hope lang." Maya maya ay sabi niya. "But he knows, right? Kaya di na rin nakakagulat."

"Yeah..."

Tahimik na pinanood ako ni Miggy na ayusin ang sarili ko. When I saw myself looked somehow presentable again, I smiled.

Mabilis na nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong namasa ang gilid ng mga mata ko. My throat tightened as I choke on nothing.

Ayokong ngumiti kasi feeling ko nadudurog 'yung puso ko pero kailangan kong pilitin.

Kasi... kasi hindi nila maiintindihan. Whatever Tim and I had, it wasn't official. Parang kami lang dalawa 'yung nakakaalam. The others didn't even look at me the way your significant other's friends should look at a girl who's left alone by their friend. I guess this... whatever we had, meant so little to Tim that he didn't even think of informing me na engaged na pala siya. Naramdaman ko na naman ang pagiinit ng mga mata ko. Tears threatened to fall again.

Ako lang ba? Ako lang ba 'yung nakaramdam na may namumuo na sa pagitan naming dalawa?

Was he only being friendly?

Bumigat lalo ang pakiramdam sa dibdib ko. Pumatak ang mga luha ko. Pilit ko silang pinunasan at pinatigil, pero parang punong puno ng sakit 'yung loob ko kaya dapat ko silang ilabas o malulunod ako sa loob.

Gusto kong tanungin si Tim. Bakit naman ganito? Bakit sa ganitong paraan ko nalaman?

Ang tagal namin magkausap kaninang umaga. Ang dami niyang pagkakataon na sabihin sa akin. Why didn't he? Ganoon ba ako kawalang kwenta para sa kanya?

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon