Chapter 5
-----
"Ah... ano..." Lumingon ako ulit sa gilid, silently praying na lalabas doon si Miggy o kaya naman ay si Asher. "I'm with Miggy and Asher."
"Si ate Miggy?" Lumiwanag ang facial expression ni Winter. Maganda pala talaga siya. 'Yung tipo nang mukha na sa sobrang cute ay maganda na tingnan. "She's here na po?"
Napangiti ako doon sa reaksyon ni Winter. I also wanted to coo at her. Ganoon siya ka-cute na parang ang sarap din pisilin ng mga pisngi niya. I nodded as an answer.
I came to know about Winter not long after maging 'personal assistant' ni Asher si Miggy. Nitong mga nakaraang araw ay si Hope ang nakakasama ko kasi parang siya lagi iyong kasabay ko ang vacant period. We talked and we even ate a lot of times na kaming dalawa lang sa paligid ng university kaya medyo nakakalma ako na kaharap ko rin siya. Kahit hindi pa pamilyar sa akin ang iba ay at least nandyan si Hope na masasabi kong kaibigan ko na rin.
"Ivana, dito ka." Malaki ang ngiti na sabi ni Hope. "Sit ka dito, do you want anything? Hungry ka?"
Ngumiti ako. Mabait talaga si Hope.
I heard someone snickered from the floor. Si Kal na natatawa pa rin.
"Anong ipapakain mo diyan kay Ivana?" Taas kilay na tanong ni Kal. "E kaya nga tayo naglalaro para kung sinong talo sila ang lalabas para bumili ng pagkain."
"Oh, right." Napakamot si Hope sa batok niya, mukhang nahihiya. "Sige Ivana, upo ka na lang."
Natawa na ako nang tuluyan at lumapit na rin naman doon sa L shaped sofa nila. Naupo ako doon sa pinakagilid.
"Hindi lots ang make up mo today." Pansin ni Hope nang tumabi siya sa akin. "Is it because of me?"
I bit the insides of my cheeks guiltily. Tipid na tumango ako at nag iwas ng tingin.
"I'm sorry hinika ka dahil sa kaartehan ko." I apologetically said. "I didn't know then. Pero alam ko naman na ngayon kaya hindi na mauulit."
Hope chuckled before he ruffled my hair.
"Why say sorry? Di mo naman fault. You're just doing what you want lang to your face." Hope's facial expression softened. "If anything, ako dapat mag sorry. Kasi you can't wear your make ups kapag nasa paligid mo me."
Ngumiti ako nang matamis at umiling, gustong ipakita kay Hope na hindi naman big deal sa akin kung mababawasan ang make up ko. Ako iyong may mas madaling way para mag adjust. It wasn't as if I could ask Hope to stop having asthma attacks.
Okay lang sa akin kasi kaya ko naman mag adjust.
"That's fine. Make up lang naman 'yun." Sincere na sabi ko. Sinigurado kong eye to eye kami ni Hope para ramdam niya na okay lang talaga.
I never knew it was possible but it was, Hope's smile widened. Mas napansin ko na hugis puso talaga siya ngumiti at damn, pantay na pantay ang teeth niya. Sino kaya ang dentist?
"Thank you." He said before he side hugged me. Nagulat ako roon pero pinigilan ko ang sarili ko na ipakitang nagulat ako. Maybe it was just normal for him. Si Asher nga ay touchy rin. "If anything, mas like ko na light lang ang make up mo. I bet mas pretty ka if bared face. Nothing beats natural beauty."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Hope. I felt my cheeks reddened a little. Yes, sanay ako sa compliments pero hindi sa ganito!
What's the difference? Hope said it like he meant it; like it was the very truth of the world.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Fiksi RemajaHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...