Chapter 20

465 28 30
                                    

Chapter 20

-----

Pinag isipan kong mabuti ang sinabi sa akin ni Hope. It made sense, actually. Tama naman siya. And I was guilty.

And for that, I felt like I owe Demi this. Hindi pa kami magkakilala pero hindi na kaagad naging maganda ang impression ko sa kanya, may nagawa na kaagad akong mali sa kanya. I wasn't proud about the way I thought of her from the start and I thought maybe I owe her the chance to prove herself to me. Hindi niya naman kailangan but... basta. I want to... I want to size her up. Gusto kong makita kung anong klaseng tao ba siya.

Gusto ko makita ano bang meron siya na wala ako.

"I am going insane," I sighed. Pabagsak na humiga ako sa kama ni Miggy.

"Ikaw lang nagpapalala diyan sa kakaisip mo," she said, tuloy lang sa pagsuklay ng basa niya pang buhok. "Magpagupit kaya ako?"

Napairap ako. Unti unti nagiging sobrang random na rin mag isip itong babaeng 'to. I couldn't help the fond smile that appeared on my lips.

She's obviously falling in love, if maybe not there yet.

Nahahawa na siya kay Asher!

"Gusto ni Asher 'yang long hair mo, di ba?" I asked her, my tone a teasing a little.

"Oo nga, e," she sighed. "Natatakot nga ako baka sa isang araw nguyain niya na buhok ko."

Natawa ako nang malakas. Sobrang benta talaga sa akin ng dry humor ni Miggy. Minsan kapag nagbibiro siya ako lang tumatawa kasi akala ng ibang tao seryoso siya.

"Bumabagal humaba buhok mo di ba kapag sa ibang tao ka nagpapagupit?" I reminded her. I could still remember she told me that her mother used to cut her hair for her and her hair grew back quickly. Kaya naman noong mamatay ang nanay ni Miggy ay hindi siya madalas magpagupit dahil for some reason ay bumagal sa paghaba ang buhok niya when she got it cut from a salon.

Miggy just hummed, now looking for split ends. Hinahawakan niya ang magkabilang dulo ng split ends niya at binubuka niya iyon para mahati ang buhok. I chuckled, parang bata talaga.

I stared at my phone screen again. Kanina pa nakabukas ang message thread namin ni Hope at hindi pa ako nakaka-reply sa text niya sa akin.

Today 6:00 PM

when ka available?

Demi can go anytime

wala magawa sa buhay 'tong
babae na 'to aside from
terrorizing us 😢

Ito ang naging sagot niya nang sabihin ko sa kanya na okay ako sa plano niya. Hindi pa rin ako one hundred percent sure sa desisyon ko, actually. Kaya hindi ako kaagad maka-reply. I was aware that I was the one who's blowing things out of proportion and making a big deal out of everything.

I just... couldn't help it. Feeling ko kailangan mentally prepared ako bago ko makilala si Demi Samaniego.

There was just something about her that terrifies me. And I knew what it was.

I was afraid to see that she really was this perfect woman that would suit a man like Timothy better than me.

Natatakot ako na makitang mas lamang talaga siya sa akin at ma-realize na simula pa lang ay talo na talaga ako sa kanya.

Umuwi ako noong dumating na ang Tita Ynes ni Miggy sa mansyon ni Senator. As much as possible ay ayaw talaga ni Miggy na nakakasalamuha ng kahit na sinong mahalaga sa kanya ang Tita at mga pinsan niya sa mother's side. She was very proud of her mother and she loved her a lot, but her relatives? Not so much.

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon