Chapter 17
-----
Para na akong mababaliw.
Ilang araw ang lumipas na nasasaktan ako at the same time, kinukumbinsi ko 'yung sarili ko na magiging okay rin lahat, na lilipas din 'to.
Na masasanay rin ako.
Ilang taon akong nasanay na naghihintay kay Tim. Siguro naman, kahit ilang taon din ang lumipas, ay makakalimutan ko rin itong nararamdaman ko para sa kanya.
But even then, I couldn't deny the pain to hurt me now. Feeling ko... feeling ko deserve ko rin talaga masaktan kasi ako 'yung tanga na nag antay kahit walang assurance.
Siguro dapat mas naging forward ako. Siguro dapat mas naging malinaw ako sa feelings ko kay Tim. Siguro dapat hindi ako pumayag na di malinaw ano ba meron sa amin.
Sobrang dami kong siguro na sigurado akong hindi ko na malalaman pa ang naging outcome sana kasi wala na, 'yung panahon na sana ginawa ko 'yun lahat ay lumipas na.
So stupid, Ivana.
Napailing ako, my thumb unconsciously hovering over instagram's icon.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng office ko. Pumasok si Miggy, pawis na pawis at mukhang irita. She had been, simula pa kaninang umaga.
"Di pa rin ba okay ang mood ni Asher?" Tanong ko, para naman mailabas ni Miggy 'yung iritasyon niya na alam kong hindi niya ilalabas thru words kung hindi ko siya tatanungin. Magdadabog lang siya nang magdadabog hanggang sa mailabas niya 'yun. She was passive-aggressive like that. Ayoko naman na masira ang mga gamit dito sa café ko.
Miggy huffed, she dropped herself carelessly on the sofa. Kung hindi lang malambot iyong sofa ko ay baka sumakit na ang likod niya sa lakas ng bagsak niya roon.
"Ano pa nga ba?" Iritadong sabi ni Miggy. "Kulang na lang ay magmakaawa siya sa akin na isama ko siya sa bahay pauwi!" She shrieked, napabagon pa siya sa pagkakasandal sa sofa. "Di ko na alam anong gagawin ko sa lalaki na 'yun!"
I chuckled. Pabagsak na sumandal ulit si Miggy sa sofa na dahilan para mauntog siya sa pader at mapamura. Naiinis na minasahe niya ang part ng ulo niya na nauntog. She then placed her feet on the glass table in front of her. Sasawayin ko sana siya kaso ay... may gusto akong malaman.
Binuksan ko ang drawer ng table ko para kunyari ay busy ako at wala masyadong pakialam sa susunod kong tanong.
"Ganoon pa rin ba sa condo nila?" I asked, faking my nonchalance. Tumaas ang kilay ni Miggy, side eying me. I chuckled. "Magulo pa rin?"
Miggy looked at me deadpanned. Para bang sinasabi ng mga mata niya na "I see what you did there."
I sheepishly smiled at her.
Wala kasi talaga akong balita sa nangyayari sa mga puto these days. Para silang parating busy. Ang nakikita ko nga lang parati ay si Asher, dahil kay Miggy, at si Hope dahil bantay raw siya ni Asher na 'grounded' ngayon at bawal lumabas nang mag isa.
Even if Hope always shows up here at the café, he refused to talk about Tim and his fiancée. Sa tuwing susubukan kong magtanong ay nauunahan na kaagad ako ni Hope na baguhin ang topic. It was like he has a radar that beeps whenever I think of asking about Tim.
Nakakainis na rin minsan. Bakit ba ayaw niyang magkwento?
Miggy hummed. Ibinalik niya ang tingin sa kisame bago siya pumukit, both her hands clasped on her tummy.
"Magulo pa rin daw." He sighed. "Kaninang umaga, naubos daw ang mga plato nila. Apparently, that Demi girl got mad at your crush again at napagdiskitahan niya ang mga plato."
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...