Chapter 24
-----
Pugto ang mga mata ko ng sumunod na araw. Buong umaga kong pinilit iwasan si Miggy dahil alam kong mahahalata niya. Sinadya kong pumasok nang late para hindi ko siya makatabi sa upuan.
Pagpasok ko sa classroom ng una naming klase ay nagsisimula nang mag-lecture ang prof. Sumenyas lang ako ng 'excuse me' sa kanya bago ako mabilis na naupo sa harap. Lumingon ako sa likuran ng classroom at, as expected, ay nagtataka ang tingin ni Miggy sa akin. Kumaway ako sa kanya para hindi siya masyadong magduda. Hindi naman niya siguro kita sa likod ang pugto eyes ko. Saglit na napadaan ang tingin ko kay Demi. Napansin kong nakatingin din siya sa akin kaya binilisan ko ang pagbalik ng tingin sa unahan, nagpanggap na lamang na hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.
I hoped they both didn't noticed.
Buti na lamang at tatlo lang ang klase namin ngayong araw. By 2:30 PM ay tapos na ang huling klase namin.
"Dorothy!" Tawag ko kaagad sa aming Vice Mayor bago pa siya makalabas ng classroom. Nakasigaw pa rin ako habang nagsasalita. "Sabay na tayo papuntang office?"
Nagtataka ang tingin sa akin ni Dorothy. "Okay?"
Mabilis na inangkla ko ang braso ko sa kanya at hinila na siya palabas ng classroom. Isinilip ko ulit nang kaunti ang ulo ko sa loob at mabilis na nag 'bye' kina Miggy. Nagulat ako nang nasa harap ko na bigla si Demi.
"Punta lang akong C.R!" She told me. Hindi na ako nakasagot dahil tumakbo na siya agad. What was that? Tumingin ako kay Miggy na nakakunot noo rin. Mukhang nagpaalam din si Demi sa kanya. Ako naman ang sumigaw sa direksyon ni Miggy.
"Busy sa office! Usap tayo later!" Sabi ko. Agad ko nang hinila si Dorothy palayo roon sa classroom.
"Huy, ano 'yun?" Takang taka na tanong ni Dorothy. Inalis niya ang braso niya sa pagkaka-angkla sa akin. "Madaling madali ka? May kailangan ba tayo gawin na hindi ko alam?" Natawa siya. "Nakakatawa si Demi mukhang ihing ihi na at nagtatakbo talaga papuntang comfort room."
I sighed. I hoped she wouldn't ask questions but I really couldn't avoid everyone being suspicious. Buti na lang at may naisip ako kaagad na palusot at mukhang distracted din siya dahil sa ginawa ni Demi.
"I want to give Miggy and Asher some alone time," dahilan ko. "Minsan nakakapagod na rin maging third wheel sa dalawang 'yun."
Natawa nang malakas si Dorothy. She must be thinking na nagbibiro lang ako. Well, what I said was half truth din naman.
"Maghanap ka na rin kasi ng jowa mo, Ivana," Dorothy grinned. Siya naman ang nag-angkla ng braso niya sa akin. "Come on. Bili tayo ng lemonade tapos tutulungan kitang maghanap ng boylet," Kinindatan ako ni Dorothy. "Don't worry, marami akong kilalang pogi."
Inilibre ako ni Dorothy ng lemonade. Para naman daw makabawi siya sa lahat ng libreng pagkain na ibinibigay ko sa kanila. Pagkatapos ay dumiretso kami sa SLC office.
Wala akong idea kung anong balak ni Dorothy na gawin pero never ko naisip itong ginagawa namin. Nagbabanggit siya ng pangalan ng mga kilalang students ng EU tapos ay tatanungin niya ako kung jojowain daw ba o to-tropahin.
"Caspian Hernandez, jojowain o to-tropahin?" Tanong ni Dorothy for the nth time. Hindi ko na mabilang kung pang ilang pangalan na ba iyong sinabi niya.
"To-tropahin," mabilis na sagot ko. Hindi ko ma-imagine na boyfriend ko si Caspian. He was way too out of my league. Tsaka nakakatakot siya kausap feeling ko matutunaw ang utak ko palagi. Plus I don't think we had any same interest. He was a good guy but I was never attracted to him.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...