Chapter 19

555 31 9
                                    

Chapter 19

-----

Mukha na ulit akong tao pagkatapos kong mag retouch. Sobrang nagpasalamat ako kay Sid para sa pabor na nagawa niya para sa akin.

"You can drop by sa café whenever you like, I'd give you a free meal." I promised him. Sid chuckled.

"Wow. Kung ganyan ka pala maging grateful tawagan mo lang ako if ever you need any favors." Natatawang sabi niya bago niya ako kinindatan.

"Sira." I pushed him lightly. "I'll go ahead na. Thank you ulit."

Sid ruffled my hair.

"You're welcome, Ivana."

Umalis na rin naman ako at diretso nang lumabas ng university. Mabagal ang lakad ko papunta sa café, just to give me an extra time to think.

Iniwan ko si Miggy sa classroom. Basta na lang ako nag walk out na parang immature na bata.

I bit my lower lip, feeling very guilty about what I did. These past fee days, parang wala na akong ibang ginawa kung hindi magkamali kay Miggy. She was my best friend and we were always together so she was taking the burn of my feelings more than the others. Kahit pa sabihin ko na ayokong maapektuhan siya, hindi iyon maiiwasan.

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko talagang bumawi sa best friend ko. Hindi pwede na lagi na lang akong ganito just because I got hurt.

I needed to get my shit sorted out, fast.

With a last deep sigh, my determination was restored. Mamaya ako mag iisip ulit kung ano na ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko, but for now, I have a best friend to make amends with. Never naman nagalit sa akin si Miggy, pero gusto ko pa rin malinaw na okay kami.

Pagdating ko sa café ay napansin ko ang mahabang pila sa cashier. Aligaga si Syrene roon at parang hindi malaman kung ano ba ang kanyang uunahin. Which was weird, sanay naman si Syrene mag serve or tumao sa cashier kahit pa rush hour.

"What's happening?" Bungad ko. Mabilis na napatingin sa akin si Syrene, as if gulat siya na narito na ako. Didn't she notice me come in from the door? "Bakit ang haba ng pila?"

"Ma'am!" Kuha ni Emer sa atensyon ko bago pa man makasagot si Syrene. "Buti naman ho at narito na kayo! Nakow! E si Ma'am Miguele ho ih, napaso!"

"What?!" I frantically said. Itinulak ko si Emer at mabilis na pumunta sa likod kung saan siya nanggaling.

Hindi ko pa nakikita mismo kung ano bang nangyari kay Miggy but the mere idea of her being hurt already sent me into mild panic. Sobrang natataranta talaga ako kapag nasasaktan siya physically. I did spent some time treating her wounds before.

Wounds given to her by her devil aunt.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si Miggy na nakatayo sa harap ng lababo, nakatapat ang isang braso sa dumadaloy na tubig mula sa gripo.

"Ivana." She gasped. Hindi ko iyon pinansin at mabilis siyang nilapitan. Inabot ko ang braso niya at tinitigan iyon.

"Anong nangyari rito?" Namumula ang braso ni Miggy. It looked ugly and painful.

"Napadikit ako sa oven." She hissed. Ibinalik ang braso niya sa ilalim ng tubig. "Hindi naman malala. H'wag kang OA."

"Damn right I'll overreact!" I shrieked. "You got hurt! Stay here, kukuha ako ng ointment." Tinalikuran ko si Miggy. Nakakailang hakbang na ako nang huminto ako at balikan siya. "On second thought, sumama ka na sa akin sa office."

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon