Chapter 18
-----
Maaga akong nagising kinabukasan. Nothing unusual since early riser naman talaga ako, pero mas maaga sa usual na gising ko.
I have very little time to prepare myself for this day. Kung sinabi sana kaagad sa akin ni Miggy na may chances na makilala ko na ngayon ang fiancée ni Tim, sana mas naihanda ko iyong sarili ko.
But she didn't, so I couldn't help but to feel anxious for today.
Hindi naman sa kinakabahan ako, no, the feelings wasn't even close to that. It was... that kind of feeling you get when you knew you'd face something you weren't prepared for. Like, when your professor gave a surprise long quiz that you didn't study for. Like knowing your clothes weren't matched to the occasion but you're already in the venue. That feeling you get when you were faced with something you weren't comfortable with but you didn't have a choice but deal with it.
It kind of sucks, that feeling.
Maaga akong umalis sa bahay. Sa café ako dumiretso. Pagdating ko sa café, in-absorb ko lahat ng positive energy na kaya kong i-absorb. Mukhang napansin ng iilan kong staffs na medyo hindi ako mapakali kaya maya't maya nila ako kinakausap. I was grateful, really. Ngayon ko mas nakikita na marami talagang tao 'yung kusang naglo-look out for me even if I didn't ask for it.
Ganoon siguro talaga. Kapag mga tamang tao 'yung napili mong ipligid sa sarili mo, you would never feel alone.
I was glad that at least, I made the correct choice of friends.
Sana pati crush, correct choice rin.
Napabuntong hininga ako. Nasaktan ako kay Tim, pero ayoko pa rin isipin na nagkamali ako na nagkagusto ako sa kanya.
Ayokong i-associate si Tim sa masasamang feelings. Oo, nasasaktan ako pero hindi ko rin naman masabing nasasaktan ako na siya ang may gawa. He was the reason why I was hurting but he wasn't the one who intentionally hurt me. At least, that was what I wanted to think. Masyado na akong maaawa sa sarili ko kung sinadya pala ni Tim na saktan ako. Kasi kung ganoon... kung ganoon ay sigurado ako na meron siyang mabigat na dahilan. Dahilan na pinili niyang hindi sabihin sa akin, kahit pwede naman naming pag usapan.
What that reason was... I wasn't sure if I would even find out anymore. Or if I would ever want to know.
Ewan. Basta... basta gusto ko na lang matapos ito.
Pumasok kami ni Miggy sa unang klase namin. I couldn't really focus in class, to be honest. Buti na lang at kaklase ko rin si Dorothy sa course na 'to kaya pinagbigyan ko na iyong sarili ko na ma-distract. I could always just borrow notes from Dorothy anyways. Si Miggy nga ay nakarating ng third year nang hindi nagsusulat ng notes. Sa akin lang din nakiki-review. She was low key smart like that. Bunga ng pagiging bookworm niya. She could retain information she liked to remember easily, mana sa Ama niyang abogado muna bago naging senador. Hindi katulad ko na average lang, kung hindi ako magpupuyat sa kaka-review ay baka wala akong maisagot sa mga quiz at exams.
Lumipas ang oras ng klase namin at nag-dismissed na ang prof.
"Free day raw ngayon, Ivana." Nakangiting sabi sa akin ni Doroty nang i-abot niya sa akin ang kanyang notebook na hiniram ko kaagad. Maganda kasi mag notes si Dorothy at alam kong hindi lang ako ang nangangati na manghiram ng notes sa kanya. "We're free to go sabi ni Sienna. Mag-schedule na lang daw siya ng ibang date for our next meeting."
Napahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga ay sa office ng SLC na naman ang diretso ko ngayon. Halos araw araw kasi ay kailangan kami roon para na rin sa nalalapit na camp ng mga seniors. I knew my responsibility with the SLC and I've never complained about the work load, like ever, but these past few days sobrang drained talaga ang energy ko. Sa emotions ko pa lang, napapagod na ako.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...