Chapter 7
-----
Mabilis na nasundan 'yung dinner sa unit nila Tim. So far, those were the best dinners I had in my entire life! Super simple lang nung mga kinakain namin parati pero para sa akin, special 'yun. I got to achieve three things at once! Multiple times pa!
I got to cook for Tim. He ate the food I made. And most importantly, he noticed me.
He finally noticed me. Di naman ako nag antay nang three years bago niya ako, finally, napansin.
Hindi talaga.
Pero... grabe! Super worth it. Di ko mapigil ang sarili ko na mapangiti kapag naiisip ko 'yung mga times na napunta kami ni Miggy sa unit nila at nagkakausap kami kahit ilang words lang talaga sinasabi niya.
"Ang saya mo yata?" Tanong ni Dorothy sa akin. Sinabayan niya akong lumabas ng classroom. It was our last class for today at hindi ko classmate si Miggy sa klase ko na 'to kaya hindi ko siya kasama. And I think that was better, baka irapan lang ako nun kapag nakita niya na until now ay nakangiti pa rin ako. "Ngayon lang kita nakita na ngumiti nang ganyan."
Mas lumawak ang ngiti ko, if that was even possible. These days, people started noticing that I was always smiling, always happy.
Hope even told me he could almost see me glow in happiness.
Maybe I do. And Tim did that.
He made me glow.
"Wala." I shyly said, tucking some strands of my hair behind my ear. Kuminang pa ang earrings ko nang ma-expose sa sinag ng araw.
"Yie, wala raw!" Asar sa akin ni Dorothy. Sinundot niya pa ako sa tagiliran na halos ikatalon ko na.
"Stop!" Natatawa kong sabi habang iniiwasan kong matusok ako ng daliri ni Dorothy. "You know I'm ticklish!"
Dorothy cackled evilly.
"Oo kaya nakakatawa ka kilitiin talaga, Ivana." She said, a big grin plastered on her face.
Nag usap lang kami ni Dorothy habang naglalakad papunta sa office ng SLC. It wasn't that far from our last class kaya mabilis na nakarating kami agad sa office. May meeting kasi kami para pa rin sa camp at kailangan na naming ma-finalize within this week and buong event plan.
Pagdating namin sa office ay ang mayor at secretary pa lang ang nandoon pero hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin ang ibang members.
"We need suggestions kung anong activities ang pwede nating idagdag." Sienna, our SLC Mayor said. She continued poking her puffed cheek with the capped tip of her pen. Sobrang laid back itong si Sienna sa totoo lang. She even had his feet propped up on her seat. "Like a plan B lang since the venue will host the recreational activities na rin naman. Nagtanong lang sila kung may gusto tayong idagdag personally."
"Why don't we give out survey flyers?" Suggest ni Franscine, our SLC muse. She was really proving na di lang ganda ang ambag niya sa student organization namin. She was really cute too, personality wise. I could still remember when she literally followed me the whole day nung nalaman niya na former SLC muse ako noong senior high.
Natapos din naman agad ang meeting. Maraming magagandang suggestions ang mga members kaya mabilis lang kami nakapag ayos ng plano. Marami na rin naman kaming napagkasunduan, sobrang kaunti na lang at matatapos na namin ang planning.
![](https://img.wattpad.com/cover/133721365-288-k856388.jpg)
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Fiksi RemajaHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...