Chapter 8
-----
We spent an hour and a half on the road bago kami nakarating sa boutique ng Mommy ni Timothy. It was located in the posh part of town kaya medyo may kalayuan din talaga sa EU.
Sa labas pa lang ay tanaw na ang mga mamahaling damit na Mommy mismo ni Timothy ang nag design. Liliane Samaniego was a renowned designer worldwide. Ilang sikat na celebrities na ang nabihisan niya sa iba't ibang okasyon. She was mainly famous for her gorgeous wedding gowns na pinipilahan talaga ng clients. If what I knew was right, if the bride wanted her gown from Ms. Liliane, she'd have to ask for it to be made six months in advanced. Ganoon ka-in demand ang wedding gowns na gawa ng Mommy ni Timothy.
I wondered if... if she would make one for her son's future bride.
The thought made me blush.
Kulang na lang ay sampalin ko ang sarili ko para lang magising ako sa kakapangarap na may pag asang maging ako ang bride na iyon.
Hininto ni Kal ang van sa mismong harap ng boutique bago kami isa isang bumaba ng van, Kal wearing his shades again.
Hindi akma sa lugar ang mga suot naming casual clothes but oddly enough, the guys seemed that they belonged here, despite their simplicity.
Ibinigay ni Kal sa valet ang susi bago kami pumasok sa loob.
"Thank you for coming with us today, Ivana." Nakangiting sabi ni Hope pagkababa namin ng van. Inalalayan niya pa akong makatayo nang maayos. I smiled sweetly at him as a thank you.
"It's nothing." Nahihiyang sabi ko, aware na nasa gilid ko lang si Timothy at most likely ay naririnig niya ang usapan namin ni Hope. "I'm glad to be here. Excited nga ako. It's not everyday that I get to go inside a famous designer's boutique."
I couldn't help the sound of excitement as it bled through my words. Napansin iyon ni Hope na dahilan siguro para lumaki lalo ang ngiti niya. His eyes shone a little.
"If you want, isasama kita mag shopping minsan." He grinned. "I bet kaya mo mag choose ng cool clothes for me."
Nag init ang pisngi ko roon. I was shocked at the sudden compliment.
"Isn't that why she's here?" Tanong ni Timothy na dahilan para kumunot ang noo ko.
What? Anong ibig niyang sabihin? May iba pa bang dahilan bakit nila ako isinama?
"Ah, that." Hope chuckled. Napakamot pa siya sa kanyang batok. "I was wondering kasi if you can help us choose aling tux ang maganda."
Hope's cheeks bloomed red, showing just how shy he got. It was so cute!
"Sure!" Masayang sabi ko. "I'll try my best to help you dress up!"
Lumaki ulit ang ngiti ni Hope, halatang relieved siya sa naging desisyon ko. It wasn't a big deal, though. Okay lang naman sa akin na tulungan silang mamili ng isusuot.
Sa isang private fitting lounge kami dinala ng staff. Kulang na lang ay malaglag sa sahig ang panga ko sa sobrang mangha ko sa lahat ng engrandeng bagay na nakikita ko.
The room was straight of out of my dreams. Napaisip pa ako kung totoo bang nasa Pilipinas pa rin ako. The place was extremely luxurious! Hindi nakakapag taka na isang world class designer ang may ari ng lugar na ito.
It was actually amazing that I knew the son of the owner, let alone he was my crush for years now.
Buhay talaga. If you were meant to meet someone, kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng social hierarchy, you'd still meet at one point.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Novela JuvenilHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...