Trigger Warnings: *hospital, *implied suicide, *medical condition (heart). Don't read if the trigger warnings could trigger you. Thanks!
Chapter 12
-----
Sumama ako kay Timothy papuntang hospital. My chest felt tight. Ramdam ko ang nerbyos ni Timothy at hindi ko pa siya nakitang ninerbyos ever, kaya nine-nerbyos na rin tuloy ako. Halatang halata sa mukha ni Timothy na para sa kanya ay seryosong bagay ito na hindi talaga pwedeng ipagsawalang bahala na lang basta basta.
That's the reason that made me I understood why he would choose to cut our dinner off. Importante sa kanya ang mga kaibigan niya and for him, they would always come first.
Napahinga ako nang malalim. Sana all, priority.
Sana maging isa rin ako sa mga taong iko-consider ni Timothy na priority.
Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Timothy. Sobrang focused siya sa kalsada kaya pinili ko na rin na manahimik na lang, tahimik na humiling na sana ay okay lang si Hope. I didn't want to distract Timothy while he was focused on driving even though I wanted to talk to him. Natatakot kasi ako na baka masamain ni Timothy ang sasabihin ko. Hiniling ko na rin lang na sana hindi mapupunta sa wala kung ano man ang nasimulan naming dalawa ngayong gabi.
Kung ano man 'yung sasabihin ko... makakapag hintay naman.
Sabi nga ni Miggy, matagal na ako naghintay. Makakapag hintay pa ako nang kaunti pa.
Siguro.
Bahala na. Pero hindi pa rin ako dapat mawalan ng pag asa.
Pagdating namin sa ospital ay mabilis na nakapasok kami. Sa underground parking lot kami dumiretso at may naghihintay nang men in black doon na iginiya kaming dalawa ni Timothy sa elevator na diretso na sa floor kung nasaan si Hope.
Napalunok ako, unti unti nang nakaramdam ng bigat ng sitwasyon. There was no room for selfishness here. Tungkol na kay Hope ang gabing ito ngayong narito na kami sa ospital. I needed to remind myself that Timothy's priority now was Hope's wellbeing. Dapat hindi ko masamain kung hindi niya na ako maasikaso pa sa mga susunod na oras.
Nang makarating kami sa floor kung nasaan room na kinalalagyan ni Hope ay para bang nag iba ang ihip ng hangin. Mas bumigat. Mas naging seryoso. Mas nakakakaba.
Gosh, na-ospital talaga si Hope.
Mabilis ang lakad ni Timothy nang salubungin kami ng isang nurse na siya namang gumiya sa amin papunta sa private room kung nasaan na si Hope, base sa narinig kong explanation ng nurse.
Napansin kong malalayo ang pagitan ng mga pintuan ng mga private rooms sa floor na ito, I even saw the letters VIP engraved on the silver door plates. Nasa VIP wing kami ng ospital, that's for sure.
"T." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses ni Kal nang buksan ng nurse ang room kung nasaan si Hope. Napatingin kami sa kama kung nasaan si Hope, walang malay at may nakakabit na dextrose, heart monitor at ventilator. Pinigil ko ang sarili ko na mapasinghap. I held my hands together to stop them from trembling.
"What happened to him?" Seryosong tanong ni Timothy. Saglit na nilingon ako ni Kal bago niya ibinalik ang tingin kay Timothy. "Let's talk outside. Ivana, please stay here and look after Hope for a moment."
Mabilis na tumango ako bilang sagot. I suddenly coundn't speak, parang may kung anong mabigat ang nakabara sa lalamunan ko.
Nang makalabas silang dalawa ay iginala ko ang paningin sa loob ng VIP room. This was the first time that I entered one, not that it mattered right now.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...