Chapter 27
——-
Huli na nang ma-realize ko na kung pupuntahan namin ang ate ni Hope, may chance na magkita at magkakilala kami. I mean, Hope would probably introduce me to her. Most likely. I think.
"Ipapakilala mo ba ako sa Ate mo?" I asked, eyes in him while he drives.
Mabilisang lumingon si Hope sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Do you not want me to?," he asked. "Ako want kita i-introduce to her but if you're uncomfortable with it okay lang din for me."
Napabuntong hininga ako. Hindi alam kung ano bang gusto. I couldn't even wrap my head around it, honestly.
Me, a mere normal citizen, will meet one of the most admired woman of the country, Faith Tuason-Alearde. Fashion icon, make up guru, a very successful beauty and lifestyle personality, businesswoman, and a very well known philanthropist. Oh, and she sometimes co-produce music, too. And to top it all off, asawa siya ni Migo Alearde. Para sa akin, ang babaeng mataas ang standards sa pagpili ng lalake na mamahalin ay pinaka admirable.
Faith Tuason-Alearde was indeed on the top of the women societal chain.
Sa sobrang pagkahibang ko kay Timothy ay madalas nakakalimutan ko na may gusto sa akin ang kapatid ng pinaka hinahangaan ko. Well, siguro ay may parte rin sa akin na inihiwalay sila sa isa't isa. Like when I see Hope... I see just him. Not his background... not his family... not his famous sister. He's just... Hope to me.
Ibinaling ko ang tingin kay Hope, sa lalake na simula nang magkakilala kami ay pinatunayan na sa akin ang sarili niya, at pumasok sa isip ko ang pagkakatulad nila ng Ate niya. Base sa personality ng Ate niya na napapanood ko, pareho silang may mabuting puso. Faith Alearde was a very active participant in charity works. Marami siyang instagram posts na uma-attend siya ng mga charity events, may they be extravagant galas or a small bario feeding programs. Sa iilan doon ay kasama niya si Hope pero hindi ko siya masyadong napapansin noon.
Napabuntong hininga ako sa na-realize. Hope was... there all along, wasn't he? Sa mga litrato at vlogs ng hinahangaan ko... sa buhay ng taong tinitibok ng puso ko. Somehow, Hope was always there in the background. Always there... but why did I never paid him any attention?
Sa hindi malamang dahilan ay nalungkot ako roon. Mukhang napansin iyon ni Hope at na-misinterpret as kinakabahan lang ako.
Hope chuckled. "H'wag ka na kabahan. Ate ko lang 'yun."
"Para akong masusuka sa mga pinagsasasabi mo," OA na sagot ko, pilit ibinaon ang lungkot. Hindi naman ako nahirapan dahil totoo naman na kinakabahan talaga ako. Actually, halos lumipad lang talaga sa isip ko ang mga salita niya. Hope smiled at me. Iyong ngiti niya na kapag nakita mo ay parang may solusyon na ang problema mo. "Ako bahala sa 'yo."
Inabot ni Hope ang kamay ko at hinawakan iyon, squeezing in reassurance. May mga kung ano na naman akong naramdaman sa loob ng tiyan ko na parang maliliit na kiliti.
Dahil sa sinabi niya ay parang mas dumoble ang kaba ko at natabunan na ang lungkot. Why? Because I trusted Hope. Never pa niya akong binigo kaya sobrang tiwala ako sa kanya na siya talaga ang bahala sa akin. Nalulungkot ako na naiinis sa sarili dahil bakit ang bulag ko sa mga bagay na ito?
This guy... this guy who was always at the background was always putting my comfort first. Kita talaga ang imbalance sa relasyon namin sa isa't isa. Hope had always put me in the position where I have the advantage. No matter what he would feel, basta masaya ako ay okay na sa kanya.
Hindi kaya... magalit ang Ate niya sa akin kapag nalaman na binabalewala ko lang noon ang kapatid niya? Lalo akong kinabahan. Ngayon ay may totoong rason na.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Ficção AdolescenteHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...