Chapter 15

547 30 22
                                    

Chapter 15

-----

"Masarap 'tong cake na 'to." Komento ni Miggy sa kinakain niya. I didn't answer agad, naalala ko na naman kasi 'yung nangyari kanina at hindi ko mapigil ang sarili ko na mapangiti. Nag angat ng tingin si Miggy sa akin. "Natatakot ako diyan sa kakangiti mo nang walang dahilan. Iba na yata 'yan, ha."

I beamed more. Yep, she was right. Kanina pa nga ako nakangiti. Sobrang masaya kasi talaga ako ngayon.

Okay na kami ni Tim! And feeling ko we would move forward more than we already did!

"Hmm... I don't know." Ngumisi ako, hindi na rin napigilan. For some reason ay ayoko munang sabihin kay Miggy ang dahilan. Baka kasi i-negate na naman niya, e. I knew she meant well, but sometimes Miggy was so realistic that it made daydreaming so hard around her. Day draming pa lang ang kaya kong gawin ngayon and that made me happy. I at least want that for myself right now. "I'm just feeling really really good today."

Tumaas ang kilay ni Miggy. Hindi na siya sumagot at sumimsim na lamang sa order niyang drink. Lemonade iyon, iba sa usual order niya na carbonated drink. Unti unti ay naa-adjust na rin ang lifestyle ni Miggy kay Asher. I didn't know if she noticed it, but I totally did.

It came little by little. Mas halata sa subconscious decisions ni Miggy like now, she chose a lemonade dahil bawal kay Asher ang carbonated drinks. Hindi naman namin kasama si Asher ngayon but I guess it became a habit for her na rin.

"Ikaw lang 'yung thirty minutes late sa klase 'yung nakita ko na ganyan kasaya." Miggy murmured. Natawa ako nang malakas, my cheeks burning a little.

Well, nakakahiya naman talaga 'yung nakalimutan ko na may klase pala kami ngayon. Isa lang 'yun, actually and not really an important class. Sa course namin 'yun na director ang prof namin kaya kung anong oras siya available tsaka lang kami may klase. Weird but that was always the case sa EU if busy ang profs.

Papunta na ako sa mall nang maalala ko. I didn't remember, tinawagan ako ni Miggy and she wondered bakit wala pa ako sa school. Buti na lang game pa siya na mag mall kami after.

We encountered a little problem along the way, pinuntahan na naman kasi ni Bonnie si Miggy sa café ko. Di talaga ako natutuwa sa angas ng babae na 'yun. Kung umasta siya parang siya 'yung nagpapakain, nagpapaaral at nagbibigay ng shelter kay Migs when in fact it was the other way around.

Bonnie and her mother were leaches. They're destroying Miggy while sucking all of what she has. Medyo tolerable pa 'yung kapatid ni Bonnie, e. Bully lang 'yun kapag nakikita ng Ate Bonnie niya. She leaves Miggy alone most of the time. Plus marunong mag thank you 'yun kay Miggy. But that doesn't mean na okay siya kasi enabler pa rin siya sa abuse na nakukuha ni Miggy sa kapatid at nanay niya. Kahit pa halata na nako-konsensya naman siya, she was still not speaking up. That makes her not better than the abusers themselves.

"Bakit di mo nilabanan si Bonnie?" Di ko na napigilang itanong. Balak ko ay aayain ko nang mag dinner si Miggy maya maya lang since almost dinner time na rin naman pero iba talaga ang lumabas sa bibig ko. Ako talaga 'yung mas inis sa aming dalawa, e. "Kaya lumalakas loob non na kayan kayanan ka di mo kasi pinapatulan."

Napabuntong hininga si Miggy. Actually, gusto ko rin bumuntong hininga kasi kahit ako napapagod na rin sa pagiging drama queen ni Bonnie.

"I don't have time for her." Simpleng sagot ni Miggy. I scoffed. Minsan talaga di ko alam kung ano dapat mangyari para magka-pake naman si Miggy sa mga ginagawa ni Bonnie sa kanya.

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon